Ito ang magpapahintulot para maka-pasok sa mga vocational courses o ang tapusin ang internship sa Italya.
Roma – 7 Nobyembre 2014 – 15,000 student visa para sa mga dayuhan, mas mabuti kung mga kabataan, na nagnanais na matuto ng propesyon o trabaho sa Italya.
Sa pamamagitan ng isang dekreto ng Ministry of Labor, na ipinalabas ng Ministries of Interior at Foreign Affairs, ang nagpapahintulot sa pagpasok sa bansang Italya upang makapag-aral ng mga vocational courses o ang magtapos ng internship sa Italya na sinimulan sa sariling bansa. Sa unang-unang pagkakataon, bagaman hindi yearly bagkus ay every three years, ang mga entry quotas na maaaring gamitin ay mula 2014 hanggang 2016.
Sa panahong ang direct hiring o flussi per lavoro ay itinigil dahil sa kasalukuyang krisis, ang vocational courses ang ilan sa natatanging paraan upang makapasok ng regular sa bansang Italya. Marahil, pati ang manatili dito: ng sinumang magtatapos ng kurso at makakita ng trabahong handang mag-empleyo ay maaaring mai-convert ang permesso di studio sa permesso di lavoro.
Ang dekreto ay pinirmahan noong nakaraang June 25 ngunit nito lamang Nov 1 inilathala sa Official Gazzette:
a) 7500 ang nakalaan sa sinumang magpapatala sa vocational courses na inorganisa ng mga auhtorized institutions, may duration ng 2 taon at nakalaan ang pagbibigay ng kwalipikasyon o certificate ukol sa kursong pinasukan.
b) 7500 ang nakalaan naman sa internship ng mga nakatapos ng vocational course. Ito ay gagawin ng mga promoters na nasasaad sa batas tulad ng employment centers, paaralan, unibersidad o mga non-profit organizations.
Dapat mag-aplay ng entry visa sa Italian Embassy dala ang mga kinakailangang dokumentasyon ukol sa vocational course o internship na aaprubahan ng regional office. Sa pagdating sa Italya ay bibigyan ng permit to stay for studies (permesso di soggiorno per motivi di studio).
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]