in

Entry visa para sa vocational training at internship, paano mag-aplay?

Magandang araw po. Gusto kong mag-aplay ng entry visa para sa vocational training ng inaprubahang decreto flussi kamakailan. Anu-ano po ang mga requirements?

Nobyembre 11, 2014 – Maaaring mag-aplay ng entry visa upang makapasok sa vocational course para sa training ng skilled labors. Nakalaan din ang pagbibigay ng sertipikasyon sa nasabing kursong pinasukan. Ang entry visa na ito ay napapaloob sa dekreto ng Ministries of Labour and Social policy kung saan napapailalim ang angkop na quota o bilang.

Mangyaring tandaan na ang pagpasok sa Italya para sa vocational course ay posible lamang matapos magkaroon ng student/formation visa. Dapat isumite ng personal ang visa application sa Visa section ng Italian Embassy o konsulado sa sariling bansa.

Ang application ay ginagawa sa pamamagitan ng isang angkop na form ng Embahada, dapat kumpletuhin sa impormasyong hinihingi at may pirma ng aplikante, lakip ang dokumentasyong nababanggit sa visa database ng Italian Ministry of Foreign Affairs.

Ang unang hakbang para sa mga nais na pumasok sa Italya ay ang siguraduhin na awtorisado ang institusyon at 24 na buwan ang haba o tagal ng kurso.

Ang mga pangunahing requirements para sa visa application ay ang mga sumusunod:

1) Balidong pasaporte o balido hanggang  sa susunod na 3 buwan mula sa petsa ng visa application;

2) Ang dokumentasyon ng pagpapatala sa kurso kung saan nasasaad ang haba o tagal ng kurso, ang programa nito at ang uri ng sertipikasyon na ibibigay matapos ang nasabing kurso.

3) Ang aplikante ay nararapat na maipakita ang pagkakaroon ng sapat ng financial support sa pananatili sa bansa gayun din ang angkop na tirahan at ang medical insurance coverage para sa anumang health issues tulad ng check-ups at hospital admission na walang anumang uri ng limitasyon.

Karaniwan, ang institusyon at/o paaralan na nag-organisa ng kurso ay naglalabas ng isang public notice o bando kung saan nasasaad ang bawat detalye ng kurso (requirements for admission, kinakailangang dokumento sa enrollment, ang haba o tagal ng kurso, programa at anumang internship at allowance). Ang public notice o bando ay inilalathala sa local at national media at karaniwang matatagpuan rin sa Assessorato alla Formazione Professionale di Regione e Province ng mga Regional Labor Offices. Pagkatapos lamang  ng enrollment (o pre-enrollment) sa kurso ng dayuhan ay maaring isumite ang entry visa application.

Ipinapaalala rin na sa katapusan ng parehong nabanggit, kurso at internship, ay maiko-convert ang permesso di soggiorno per studio/formazione sa permesso di soggiorno per lavoro.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Quanti tipi di razzisti ci sono in Italia? Il video

Italian test ng integration agreement, balido rin ba sa carta di soggiorno?