Magandang araw po! Mayroon ako ng lahat ng requirements sa pag-aaplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno. Ang kulang na lamang ay ang italian language exam. Ano po ang procedure na dapat kong sundin para dito?
Disyembre 12, 2014 – Ang dayuhan na nag-aplay ng carta di soggiorno ay dapat mapatunayan ang kaalaman sa wikang italyano, sa antas na A2 ng Common European Framework of Reference for Languages (CEFR). Ang A2 level ay sumasaklaw sa kakayahang gamitin ang wikang italyano sa madalas na gamiting pangungusap o salita sa mga karaniwang lugar.
Ayon sa Batas bilang 94/2009, ang dayuhan ay maaaring maipakita ang kaalaman sa wika sa pamamagitan ng isang exam sa kasong di sakop ng mga exempted cases. Kailangang sumailalim at pumasa sa exam na ito bago ang mag-aplay para sa dokumentong nabanggit.
Ang pagsasailalim sa exam na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapa-schedule online gamit ang form TI sa website ng Ministry o Interior. Tatanggapin ito ng prefecture batay sa tirahan ng dayuhan, at ito ang magpapadala ng liham kung saan nasasaad ang araw ng appointment (lettera di convocazione) ng pagsasailalim sa exam sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng pagpapadala ng request. Ang exam na ito ay gagawin sa pamamagitan ng computer system, gayunpaman, kung kinakailangan, ang aplikante ay maaaring hilingin na gawin ang exam sa pamamagitan ng papel. Maituturing na pasado kung 80% ng mga katanungan ay nasagot ng tama. Maaari ring malaman online ang resulta ng exam sa pamamgitan ng link na ito. Ang result ng exams ay dumudating online maging sa mga Questura.
Ang aplikante ay dapat na dumating sa itinakdang araw, lugar at oras sa pagsasailalim sa exam. Sa kasong ang dayuhan ay hindi pumasa o sa kasong hindi dumating sa itinakdang araw ng exam at walang balidong dahilan, ay hindi maaaring makapapa-schedule ulit para sa panibagong petsa hanggang makalipas ang 90 araw mula sa unang petsa na nakatakda.
Sa pagkakaroon lamang ng balidong dahilan sa hindi pagdating sa petsang nakatakda ay maaaring muling makapagpa-schedule para sa bagong petsa bago ang 90 araw. Ang dahilan ng excuse ay dapat ipadala sa CTP kung saan naka-schedule ang italian test bago ang nakatakdang petsa at oras ng pagsusulit, kung hindi ay lalabas ito na unjustified. Maaari rin itong ipadala sa pamamagitan ng fax o email. Ang buong proseso sa pagsasailalim ng Italian test, pati ang brochure ay matatagpuan sa https://testitaliano.interno.it ng Ministry of Interior.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]