in

Merry Christmas, Arrivederci!!

PAALALA: Ang kwento pong ito ay kathang-isip lamang at layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa. Anumang pagkakapareho sa pangalan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang. 

 

 

I hate goodbyes!” May emosyon na laman ang sigaw ng amo ni Anna habang iniaabot ang sobre sa katulong. “So here is your ticket, your salary and liquidation plus 5,000 euro that your Boss and I have decided to give to you as a christmas gift” 

Thank you Madam! I hate Goodbyes too so you are most welcome to visit me in Manila” 

Isang mabilis na halik sa magkabilang pisngi ni Anna ang paalam ng mabait na amo at mabilis din itong tumalikod at nilisan ang kusina. Ang masayahing ugali lamang ni Anna ang nagbigay liwanag sa bahay ng mga Grimaldi . Buhat ng tawagin ng katulong ang among lalaki ng BOSS ay naiba ang timpla ng hangin sa loob ng Villa. Kasamang napasaya ng magiliw na katulong ang kababayan nitong driver na si Roberto na naiwang nakaupo sa kabilang panig ng mesa.

Ako din…. ayoko ng paalaman so Merry Christmas na lang sa iyo.” Malungkot ang tinig ni Roberto. Sa loob ng dalawampung taon na paninilbihan nila sa mga Grimaldi ay maraming istorya ang kanilang pinagsamahan. Sa una pa lamang ay sabay na nag-apply ang dalawa na nagpanggap na mag-pinsan upang matanggap lamang sa trabaho dahil mag- asawa ang hinahanap ng senyora. Ang masinop at magaling na serbiyo ng dalawang kasambahay ang siyang naging dahilan upang hindi sila tanggalin sa trabaho nang madiskubre ng mag-asawang Grimaldi na may relasyon ang dalawa. Bagong pasok sila sa trabahong iyon at halos panabay ding nabuo ang kanilang pagmamahalan.

May asawa si Roberto. Sa edad na 60 ay may kisig parin at may dating pa. Mahigit sa 30 taon naman ang inilagi nito sa Itaya. Bagong kasal at bagong anak pa lamang ang kaniyang asawang si Luisa nang lisanin nito ang Pilipinas. Buhat noon ay lima o anim beses pa lamang itong umuwi upang dalawin lamang ang lumalaking anak na lalaki. Hindi sila hiwalay subalit dahil na rin sa pagkakalayo ay parang wala na sa kanila ang dating pag- ibig. Buhat sa tsismis ng mga kababayan at kamag-anak na umuuwi sa Pangasinan ay nalaman na ni Luisa ang relasyon ng asawa kay Anna. Naunawaan niya ito dahil malayo sila sa isa’t-isa subalit hindi niya matanggap na nauwi sa tunay na damdamin ang pagsasama ng dalawa. Hindi nagkukulang sa sustento si Roberto at nabigyan din naman nito ng isang maliit na bahay at napagtapos din naman ang anak na lalaki. Mahal niya si Luisa. Mahal din niya si Anna.

May asawa din si Anna. Sa edad na 62 anyos ay banaag pa din ang kagandahan nito. Pagdating sa Italya ay agad pinalad na matanggap na katulong sa mga Grimaldi. Lulong sa sabong ang asawang si Larry at nang maisanla ang kanilang bahay ay agad nagdesisyon na magpatulong sa mga kamag-anak upng makapunta din sa Italya. Siguro ay dahil din sa pagkakalayo ng dalawa ay parang naglaho din ang sumpaan nila sa harap ng altar. Hindi rin nagkulang si Anna sa pamilya, natubos at napaganda pa ang bahay at lupang isinanla ng sabungerong asawa at napagtapos ng medisina ang panganay na lalaki at optometrician naman ang bunsong babae. Nagsikap ang magkapatid na makapagtrabaho agad at nakapagpayo sila ng Private Clinic. Sa likod ng pagamutan ay nagpahulog ng isang maliit na bahay kasama na din sa plano nila na pauwiin ang nawalay na ina at mamahala ng clinica. Marahil ay alam na ni Larry ang storya ng dalawa sa Italya subalit nagtahimik na lamang ito upang maitaguyod ni Anna ang dalawang anak. Mahal ni Anna ang kaniyang pamilaya. Mahal din ni Anna si Roberto.

Dito na tayo tumanda sa Villa na ito” ang bulong ni Roberto habang mahigpit na yakap ang kalaguyo.

Hoy may pinagkatandaan naman noh. Naitaguyod natin ang ating mga anak at may naipundar din naman diba?”  Lambing at may kasamang halik ang sukli ni Anna sa driver. “Ewan ko ba pero parang pampelikula stoya natin, nagmamahalan at nagtutulungan na maitaguyod ang dalawang pamilyang naiwanan sa Pinas” dagdag pa nito.

Pawang katotothanan ang sinasabi ni Anna. Si Anna ang namamahala ng kanilang mga suweldo subalit hati sa sapat at tunay na pangangailangan ang regular na remittances para sa dalawang pamilya, ang kay Roberto sa Ilocos at ang sa kanya sa Mindoro. Tuwing pasko ay dalawang balikbayan boxes ang pinagtutulungang punuin at ipadala sa mga ito. Isang tunay na extended family ang situwasyon kaya’t kilalang-kilala ng bawat isa ang pangangailangan at kapritso ng mga anak at asawang naiwan. Dalawang pamilyang pinagbuklod ng isang tunay na pagmamahalang nabuo sa Roma sa loob ng Villa Grimaldi.

Amo’ …taon taon naman babalik ako dito para ayusin ang pensyon ko so magkikita pa rin tayo”, Inaamo ni Luisa ang halos maiyak nang amore sa buhay. “After five years ay mag-pepensyon ka na din at uuwi ka din sa Pinas at doon ay magkikita pa rin tayo” dagdag pa nito.

Itutuloy mo ang desisyon mo?” pamanghang tanong ni Roberto.

Oo naman . Ikukuwento ko sa kanila ang ating love story and i will ask my children to let you in sa bahay sa likod ng Clinic Kasama ka din naman na bumili ng lupa at tumulong na maitayo ang clinika di ba? Matatag ang sagot ni Anna. Handa siyang harapin ang pamilya at ipaglaban ang pag- ibig na nabuo sa Roma. And like any mature and loving person i will set you free…. free to choose, to decide. We were once friends , then lovers so we can be just friends or lovers pag-uwi natin sa Pilipinas” seryoso si Anna subalit may ngiti ito sa labi, ngiting dulot ng tunay na pag ibig na nadama niya kay Roberto.

Mabilis lumipas ang mga araw. Isang surprise party sa La Dogana Restaurant ang dinaluhan ng mga kaibigan ng dalawa. Isang Eat all you can na restaurant iyon na dinadayo ng mga Pilipino sa Roma. Patunay na alam na halos ng lahat ang relasyon ng dalawa. Pinauwi naman ni Boss Grimaldi ang dalawang anak na nasa Londra at sama-sama silang nag-dinner sa Hotel na pag-aari ng pamilya. Pormal ang hinihinging kasuotan ng lugar subalit sanay na sila Anna at Roberto sa eksenang iyon. Kaugalian na ni Boss na isama ang dalawang katulong sa marangyang hapunan tuwing kapaskuhan bilang tanda at pagtanggap ng pamilya Grimaldi sa mga kasambahay. Sa bawat pagtatapos ng taon ay may kahati din ang mga anak ng amo kayat ganoon na lamang ang tuwa at pasasalamat ni Anna nang mag-abot ng sobre ang dalawang batang sa kamay niya lumaki. Siyempre lumabas din sila. Kumain ang dalawa sa restaurant kung saan nila ipinagdiriwang ang ilegal na anibersaryo. Sa dating mesa sa taas ng mezzanine floor ng kainan ay magkasamang binalikan ng dalawa ang simula at bawat matatamis na ala-alang kanilang pagsasama. Isang hapunang may pinaghalong pait at tamis ang pag-ibig at pamamaalam.

RIINGGGG!!! RINNNNNGGG!!! Nakatitig si Roberto sa hawak na cellphone. Kilala niya ang numerong tumatawag. Cellphone ito ng doctor na anak ni Anna.

Hello” ang naninimbang na sagot ni Roberto.

Hello Tito Bobby si doc po ito Merry Cristmas po sa inyo. Nakuwento po ni Mommy lahat lahat po at you are most welcome to be with us as you wish” seryoso at may saya sa tinig ng halos ay anak na din niyang doctor. “Heto po si Mommy at babati daw sa inyo”dagdag pa nito.

Merry Christmas Amore mio”, Walang nabago sa damdamin ng boses sa kabilang linya.

Merry Christmas din sa iyo” sagot ni Roberto. Nabatid niyang pinanindigan ni Anna ang kanyang sinabi. Lalong napamahal sa kanya ang babaeng kapiling niya ng dalawampung taon sa Roma.

Tadhana marahil ang nagtulak na mangibang bansa at magkaibigan sina Roberto at Anna. Tadhana din siguro ang magtutuloy sa storya ng kanilang pagmamahalan. Masuyong tinapos si Roberto ang kanilang pag-uusap. Nahiga sa kamang dati nilang pinagsasaluhan ng may ngiti sa labi. Ngiting hudyat nang nabubuong desisyon sa kanyang kalooban. Ang ipaglaban din ang ikalawang pag-ibig.

 

Tomasino de Roma 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong regulasyon at charter of rights and responsibilities, pinagtibay sa mga CIE

600 euros tulong kada buwan para bayaran ang nursery at babysitter