Isang tulong ang ibinibigay sa mga new moms na tinanggihan ang optional parental leave kapalit ng mga serbisyo para sa bagong silang na sanggol. Simula ng pagsusumite ng aplikasyon.
Disyembre 23, 2014 – Ang mga new moms na ginustong (o dapat) bumalik agad sa trabaho ay makakaasa sa isang karagdagang tulong: hanggang 600 euros na ibibigay hanggang 6 na buwan, bilang kabayaran sa babysitting at nursery na mag-aalaga sa bagong silang na anak. Kapalit nito ay ang pagtanggi sa parental leave o ang tinatawag na “congedo parentale”. Ito ay ang opsyonal na pagliban sa trabaho na ibinibigay sa mga working moms matapos ang obligatory leave matapos makapanganak.
Ating tingnan kung ano ang nasasakop ng bagong tulong pinansyal para sa mga serbisyong nauukol sa sanggol o ‘contributi per l’acquisto dei servizi per l’infanzia'.
Sino ang maaaring tumanggap nito? Mga Italyano at mga dayuhang manggagawa sa publiko o pribadong sektor (hindi kasama ang mga colf, caregivers at babysitters) at sa mga parasubordinate workers o freelancers sa loob ng tatlong buwan, na nakatala sa gestione separate ng Inps.
Sa paga-aplay ay kinakailangang sakop pa ng 11 buwan matapos ang obligatory maternity leave. Kabilang din ang mga part timers, ngunit ang halaga ng tulong ay batay sa oras ng trabaho. Halimbawa, kung 50% part timer, ay kalahati rin ang matatanggap na tulong o 300 euros.
Matapos aprubahan ang aplikasyon, ang pagbibigay ng tulong ay nagbabago batay sa uri ng serbisyong kailangang bayaran. Halimbawa, ang mga public at private (with special agreement) nurseries ay direktang tatanggapin ang tulong pinansyal buhat sa estado hanggang sa maubos ang halagang nakalaan sa mga new moms. Sa pagbabayad naman ng mga babysitters, na dapat munang i-empleyo, ang mga new moms ay maaaring kunin ang mga “buoni lavoro” o vouchers katumbas ng halaga ng tulong.
Ang pagsusumite ng aplikasyon ay simula Disyembre 16 hanggang 31 Disyembre 2015. Ngunit pinapayuhan ang mga nagtataglay ng requirements na magsumite na ng aplikasyon hanggang maaga dahil ang pagbibigay ng tulong ay first come first serve basis hanggang sa maubos ang ponding nakalaan dito. Maaring gawin ang lahat online sa www.inps.it – (www.inps.it → Servizi per il cittadino → Autenticazione con PIN → Invio domande di prestazioni a sostegno del reddito → Invio delle domande per l’assegnazione dei contributi per l’acquisto dei servizi per l’infanzia) o maaaring magtungo sa mga caf para sa karagdagang impormasyon.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]