in

2015 TAWAG NG PAGBABAGO

 
Oh kay bilis ng panahon parang di ko namalayan
Storya ng kahapon ko sariwa pa sa isipan
Oh kay bilis ng pagpaltik nitong kamay ng orasan
Na para bang hinahabol ang gulong ng kapalaran
 
Oh kay ganda ng liwanag na ngayo'y natatanaw ko
Ang simoy na dumarating may bulong ng pagbabago
Kung tayo ma'y iginupo ng hangin at mga bagyo
Ang bukas ay naghihintay itatayo muli tayo

 
Ngayong pumasok na itong BAGONG TAON
Ang dalang babala tila isang hamon
Ating pagbabago tinatawag ngayon
Ang 2015 ang tamang panahon
 
At sa taong sa ngayon ay nagdurusa sa piitan
Panahon na upang iyong baguhin ang kapalaran
Pagsisisi ay gawin mo sa nagawang kasalanan
Kasabay ang pagbabago sa takbo ng iyong buhay
 
At sa taong patuloy na sa sala ay nagtatago
Patuloy mong kinikimkim ang bulok sa iyong puso
Kahit ano ang gawin mo sisingaw din itong baho
Sarili mo ang kawawa kapag hindi ka sumuko
 
Ang tao sa mundo ay tila ba kakambal na
Ang pagkakamali at ang pagdurusa
Hindi man aminin ang pagkakasala
Laging may katapat na pagpaparusa
 
Kung dito sa lupa'y iyong natakasan
Ang bigat ng iyong mga kasalanan
Mayrong isang matang ika'y minamasadan
Pag Siya'y naningil dobleng kabayaran
 
Pero sabi ng DIYOS magsisi ka lamang
Sa pagkakamali't mga kasalanan
Anumang sala mo kung pagsisisihan
Laging may katapat na kapatawaran
 
ni: Letty Manigbas Manalo
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Opisyal ng Bicol Saro, nanumpa ng paglilingkod

Ilang grupo ng Pinoy, boluntaryong nagbahagi ng pagkain bilang pamasko sa Milan