in

Anibersaryo ng Kamatayan ni Rizal, ginunita sa Roma

"Sa kabila ng malamig na umaga, mainit na pag-aalaala ang inihandog na pagdalo ng mga kababayan nating gumunita sa kadakilaan ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal."

Roma, Enero 7, 2015 – Sa pangunguna ng Philippine Democratic Guardians International Inc (PDGII) at Order of the Knights of Rizal (OKOR) – Rome ay muling ginunita ang taunang pagdiriwang ng Rizal Day sa Piazza Manila, Rome noong January 1.

Kasabay ng malamig na haplos ng hangin, sinimulan ang mainit na komemorasyon sa ika-118 Araw ng Kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ng pambansang bayani. Ito ay pinangunahan ni Vice Consul Candy Cipres ng Embahada ng Pilipinas.

Sinundan ito ng pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ na pinangunahan ni Bro. Blas Trinidad, Jr.

Ginanap ang isang maikli ngunit makabuluhang programa kung saan ginunita ang kadakilaan ng ating Pambansang Bayani.

Ayon kay Vice Consul Candy Cipres, ating maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyan ang maituturing na “World Class” na personalidad ng ating bayani dahil sa kanyang katalinuhan at kagitingan.

Binigyang-diin naman ni Pastor Mario Gapunuan ng ‘Assemblea di Dio’ ang mga aral sa likod ng mga isinusulat ni Rizal, partikular ang tanyag na isinulat nito: "Ang kabataan ang siyang pag-asa ng Bayan!".

Ang panauhin buhat sa Swden, Sir Edgar Gumabon, ay ibinahagi naman ang mahalagang ginampanan ng UP Fraternity Upsilon sa pagkakatatag ng OKOR Knighthood sa Pilipinas na may layuning ituro at ipagpatuloy ang mga adhikain ng ating bayani.

Ibinahagi ni OKOR Knight, Sir Lito Viray ang personal na kahalagahan ng araw ng kamatayan ni Rizal na syang araw naman ng kanyang kapanganakan.

Lubos naman ang pasasalamat ni PDGII Founder Norberto Fabros sa patuloy na pakikiisa ng Embahada, ng Order of the Knights of Rizal ROME Chapter members, ng ilang grupo ng Guardians tulad ng PDGII Scorpion Wings, Aguila Chapter, Rome Chapter, GSSI-Tiger, CIMG Malaya, GEMPA P.zza Manila Chapter; ilang taunang panauhin tulad nina Marie at Stefano Lamie; at ilang leaders ng komunidad sa kanyang simulain. Matatandaang nasa ika-pitong taon na ang paggunita sa Roma ng nasabing pagdiriwang.

Ang paggunita sa kamatayan ng ating bayani ay maituturing na sandatang nagpapalakas sa bawat Filipinong malayo sa Inang bayan. Tila isang pamana ng lahi ang mensaheng hatid nito lalo na’t itinuturing ang mga ofws bilang makabagong bayani.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rizal day at OFW month, ipinagdiwang sa Florence

Decreto Flussi 2014, binuksan na!