Sinusubukan ng Italya ang maka-akit o ang mapanatili sa bansa ang mga entrepreneurs at innovators sa pamamagitan ng decreto flussi.
Roma – Enero 8, 2014 – Kahit na sa ‘maliit’ na paraan ay sinusubukan ng Italya na akitin o ang mapanatili sa bansa ang mga mahuhusay na entrepreneurs at innovators sa pamamagitan ng pinakahuling decreto flussi.
Sa mga 2400 self-employed na pinapayagang makapasok ng Italya ay kabilang ang mga mamamayang dayuhan na magbubukas sa Italya ng negosyo o “imprese start-up innovative”. Sa kanilang pagiging entrepreneurs ay maaaring mai-convert sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo ang kanilang mga permit to stay na mayroong ibang motibo tulad ng studio.
Ang start up innovative ay ang bagong paraang sinimulan noong nakaraang Hunyo ng gobyerno at inilathala sa parehong buwan ang mga alituntunin nito ng mga Ministries of Interior, Foreign Affairs, Labor at Economic Development (Mise). Sa pamamagitan ng Italia Startup Visa, ay binigyang-diin ng Sviluppo Economico ang halaga ng conversion ng mga permit to stay.
Mula sa Italia Startup Visa sa Startup Hub: sa global competition ay hindi lamang mahalaga ang akitin ang mga innovators mula sa buong mundo ngunit pati ang malaman kung paano sila mapapanatili sa bansa at magbigay dito ng kanilang serbisyo”, ayon kay Stefano Firpo, ang teknikal na kalihim ng Mise. Ang mga mag-aaral na dayuhan na pinili ang unibersidad sa ating bansa, ang ating mga laboratoryo, mga research centers, ay mayroong mas simpleng paraan upang gamitin ang napag-aralan sa pagbubukas ng makabagong kumpanya”.
"Ang dayuhang (mayroong regular na permit to stay, kabilang ang mga permesso di soggiorno per studio, tirocinio at/o formazione) na nagnanais manatili sa Italya upang mag-simula ng startup business ay maaari, sa katunayan, ang simulan ang conversion ng hawak na permit to stay sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo na hindi kakailanganin ang bumalik sa sariling bansa para sa angkop na entry visa”, dagdag pa ng Mise.
Ang Italia Startup Visa Committee, na binubuo ng limang pangunahing mga innovation association sa bansa (Aifi, Apsti, Iban, at NetVal at PNICube) at koordinasyon ng Ministry of Economic Development, ay susuriin ang kalidad ng mga aplikasyon. Sa kasong positibo o tanggap ang aplikasyon, ay bibigyan sa loob ng isang buwan ng nulla osta o pahintulot na isusumite sa Sportello Unico per l’Immigrazione para masimulan ang conversion.
Ang pamamaraan at dokumentasyon ay katulad ng sa Italia Startup Visa. Ang mga aplikasyon lakip ang pagtatanghal ng buong proyekto at ang certificate of financial asset katumbas ng 50,000 euros, ay maaaring ipadala sa email add. na:
italiastartupvisa@mise.gov.it