Manila, Enero 15, 2015- Matiwasay na nakarating sa Pilipinas si Pope Francis, ang lider ng higit isang bilyong Katoliko sa buong mundo at head of state ng Vatican City.
Ganap na alas 5:32 Huwebes ng hapon, kasabay ng matunog na ingay ng mga kampana ng lahat ng simbahang katolika sa buong bansa, ay sinalubong ng 1,500 kabataang mag-aaral ang lumapag na eroplano sa Villamor Air Base kung saan sakay si Pope Francis mula sa Sri Lanka.
Sa paglabas ng eroplano ay sinalubong ni Pangulong Noynoy Aquino si Pope Francis kasama ang interpreter.
Matapos patugtugin ang national anthem ng Vatican State at Pilipinas, sinalubong ang Santo Papa ng dalawang batang orphans na sina Lanie Ortillo, 9-anyos at Mark Angelo Balbero, 10-anyos, na niyakap pa ng Santo Papa matapos tanggapin ang bugkos ng bulaklak. Sina Ortillo at Balbero ay mga nawalan ng magulang dahil sa nangyaring kalamidad sa bansa.
Matapos ay isa-isang ipinakilala ni PNoy kay Pope Francis ang mga miyembro ng gabinete sina:
1. Vice President Jejomar C. Binay
2. Executive Secretary Paquito N. Ochoa
3. Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario
4. Finance Secretary Cesar V. Purisima
5. Justice Leila De Lima
6. Public Works Secretary Rogelio L. Singson
7. Education Secretary Armin A. Luistro
8. Defense Secretary Voltaire T. Gazmin
9. Interior Secretary Manuel A. Roxas II
10. Transportation Secretary Joseph Emilio A. Abaya
11. Budget Secretary Florencio B. Abad
12. Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan
Sumunod na binati ni Pope Francis ay ang hanay ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.
1. His Eminence Orlando B. Cardinal Quevedo, O.M.I., Archbishop of Cotabato
2. His Excellency Most Rev. Antonio J. Ledesma S.J., Archbishop of Cagayan de Oro
3. His Excellency Most Rev. Romulo G. Valles, Archbishop of Davao
4. His Excellency Most Rev. Sofronio A. Bancud, S.S.S, Bishop of Cabanatuan
5. His Excellency Most Rev. Rodolfo F. Beltran, Bishop of San Fernando De La Union
6. His Excellency Most Rev. Jose A. Cabantan, Bishop of Malaybalay
7. His Excellency Most Rev. Bernardino C. Cortez, Prelate of Infanta
8. His Excellency Most Rev. Gilbert A. Garcera, Bishop of Daet
9. His Excellency Most Rev. Angelito R. Lampon, O.M. . Vicar Apostolic Of Jolo
10. His Excellency Most Rev Emilio Z. Marquez, Bishop of Lucena
11. His Excellency Most Rev. Jesse E. Mercado
12. Rev. Fr. Marvin S. Mejia, Secretary General of the Catholic Bishops Conference of the Philippines
Kapansin-pansin ang pagyakap ni Pope Francis kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nang nakita ito at bahagyang nakipag-usap.
Matapos ay saglit na pumasok sa Bulwagang Kalayaan ang Santo Papa kasama ang Pangulo.
Ilang saglit pa ay sumakay na sa open popemobile si Pope Francis at bumiyahe patungong Apostolic Nunciature sa Maynila.
Makapal ang mga taong nag-abang sa mga lansangang dadaanan ng convoy ng Santo Papa.
Sa pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot ng 800,000 hanggang 1 milyon ang nag-abang kay Pope Francis sa unang open motorcade nito.
Bandang alas-6:55 ng gabi ay narating ng popemobile ang Apostolic Nunciature na magiging tahanan ng Santo Papa sa 5 araw na pananatili sa Pilipinas.
PGA
larawan buhat sa Malacañang Photo Bureau
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]