in

Naspi, Asdi at Dis-coll, hatid ng Jobs Act

Ito ang mga bagong ‘ammortizzatori sociali’ na nilalaman ng Jobs Act, o ang reporma sa paggawa. Nasasakop nito hindi lamang ang mga italyano bagkus pati ang mga dayuhang regular sa Italya. Ito ay simulang ipatutupad sa Mayo 1, 2015.  Narito ang nilalaman ng dekreto na bumubuo dito.
 

Roma, Enero 20, 2015 – Naspi, Asdi at Dis-coll, ito ang mga acronym na dapat kilalanin ng mga nawalan ng trabaho (disoccupati), mga italyano man o dayuhang regular, dahil sa tema ng ‘welfare’, ang lahat ay pantay-pantay. 
 
Ito ay ang mga bagong 'ammortizzatori sociali' o ang mga tila salbabida na isinulong ng gobyerno: isa sa dalawang implementing decree ng Jobs Act ay tinalakay na sa Parliyamento noong nakaraang linggo. Ngayon, ang Kamara at Senado naman ang obligadong magbigay lamang ng opinyon ngunit walang anumang magiging epekto ito. Final approval sa Council of Ministries. Maliban na lamang kung magkakaroon ng ilang pagbabago, inaasahang mula Mayo 1, 2015, ang kasalukuyang Aspi (o Assicurazione Sociale per l'Impiego) at mini Aspi, ay mapapalitan na ng mga bagong tulong pinansyal para sa mga walang trabaho o disoccupati. Tingnan natin ang mga pagbabagong ito.

   
Ang Nuova Assicurazione Sociale per l’Impiego (Naspi) ay nakalaan sa lahat ng mga manggagawa (maliban sa mga temporary employee ng PA at mga agricultural workers) na di sinasadyang nawalan ng trabaho, kabilang ang mga nagbitiw sa trabaho dahil sa tamang dahilan (per giusta causa) o ang mga umabot sa isang kasunduan. Kinakailangang nabayaran ang kontribusyon ng hindi bababa sa 13 linggo sa nakaraang 4 na taon at nakapag-trabaho ng hindi bababa sa 30 araw sa unang taon bago ang taong nawalan ng trabaho. 
 
Ang itatagal ng pagtanggap ng tulong ay batay sa taon ng naging pagbabayad ng kontribusyon ng worker ngunit hindi lalampas ng 24 na buwan. Ang halaga ay kakalkulahin batay sa average ng buwanang sahod sa loob ng 4 na taon ngunit hindi lalampas ng 1300 euros kada buwan, at simula sa unang araw ng ika-apat na buwan ng pagtanggap, ay simulang bababa ito ng 3% kada buwan. Mawawalan ng bisa o mapuputol ang pagtanggap ng tulong sa pagkakaroon ng bagong trabaho kahit na hindi lumahok sa anumang requalification professional course hatid ng mga employment services. 
 
Sa mga partikular na kaso ng pangangailangang pinansyal (priority ang mga taong mayroong minors at ang malapi ng mag-pensyon, ngunit hindi pa pinal ang mga pamantayan) ay maaaring madagdagan ang Naspi ng Asdi, (o assegno di disoccupazione). Ang halaga ay mas mababa sa Naspi, maaaring magtagal lamang ng maximum na 6 na buwan at kinakailangang sumailalim sa isang personalized project ng employment services. Ito ay isang eksperimento lamang para sa taong 2015 at may maliit na pondo lamang. 
 
Sa pagwawakas, ang dekreto ay nagsasaad din ng Dis-coll (o assegno riconosciuto ai collaboratori coordinati e continuative), kahit na a progetto, na di inaasahang nawalan ng trabaho. Kinakailangang nabayaran ang kontribusyon ang hindi bababa sa 3 buwan Enero 1 ng nakaraang taon at hindi bababa sa isang buwan ng kontribusyon sa parehong taon. Kahit ang Dis-coll ay hindi lalampas sa 1300 euros kada buwan at bumababa mula sa ika-apat na buwan, ngunit ito ay tatagal lamang ng maximum na anim na buwan.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay caregiver, namatay sa sunog

SAGOT NG PCG MILAN SA GINAWANG DIALOGO (Ikalawang bahagi)