in

Sinulog Festival 2015, ginanap sa Bergamo

The Filipino Migrants:  The New Evangelizers of the Modern World
 
Milan, Pebrero 2, 2015 – Bagamat tapos na ang taunang Sinulog Festival sa Pilipinas, hindi pa rin magpapahuli ang mga kababayan natin dito sa Italya partikular na sa rehiyon ng Lombardia kung saan masayang idinaos ang selebrasyon ng Grand Sinulog Festival 2015 sa probinsiya ng Bergamo.
 
Pitong grupo ang lumahok sa kumpetisyon. Ang ilan naman ay guest contingents at queens. May mga kababayang mula sa Austria at Switzerland ang nakiisa rin. Dumalo rin ang grupo ng Bantay Bayan International. Samantala, official photographers naman, sa ikalawang taon, ang United Pinoygraphers Club ng Milan ng pista ni Sto. Niño. 

 
 
Si Cardinal Orlando Quevedo ng Cotabato City, Philippines ang inimbitahan ng mga organizers ng Sinulog Festival 2015 sa pamamagitan ni Rev. Don Massimo Rizzi (Director General, office of the migrants, Diocese of Bergamo, Italy) para magbigay ng banal na salita  sa Basilica di San Alessandro in Coloma, Bergamo.
 
Sa panayam sa Cardinal ay kanyang sinabi ang labis na tuwa dahil ito na ang pangatlo niyang imbitasyon sa labas ng ating bansa para magsagawa ng misa sa pista ni Santo Niño de Cebu.
 
Kanyang binigyang-diin ang naging pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas kamakailan. Hindi nito ininda ang bagyo at nagtungo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang basbasan, makadaup-palad at maiparating ang banal na salita ng Diyos. “Kahit bumabagyo, tinuloy pa rin niya ang kanyang biyahe para sa sambayanan pilipino.”
 
Pagkatapos ng misa ay sinundan ito ng parada o ang street dancing mula sa Basilica di Sant Alessandro in Coloma hanggang Patronato San Vicenzo sa Via Gavazzeni, Bergamo. Binaybay ng parada ang mga pangunahin lansangan sa Bergamo at umabot ito ng mahigit isang oras.
 
Bago pa simulan ang kumpetisyon ay binasbasan ni Cardinal Quevedo ang mga Santo Niño na dala ng mga Sinulog Queen ng bawat grupo.
 
 
Dumalo din sina Maria Mercedes Reinares y Arrastia-Tuason, Filipino Ambassadres to the Holy See in Vatican Rome, Philippine Consulate General Milan, Vice Consul Helen Sayo, Vice Consul ng PE Rome Christine Margaret Malang, at ilan pang mga chaplains ng bawat probinsiya.
 
Pinuri ni Tuason ang mga organizers ng event dahil sa kanilang pagsisikap upang maging matagumpay ang nasabing pista, at hinimok pa niya na lalong pagtibayin ang pagkakaisa ng bawat Pilipino. 
 
Gayun din ang kapuwa Vice Consul ng Rome at Milan sa kanilang pasasalamat na pinaunlakan sila ng imbitasyon mula sa Filipino Catholic Community ng Bergamo.
 
Sa naganap na street dancing competition, ang  Milano, Bergamo at Austria ang mga nagsipag wagi.
At pagdating naman sa Sinulog Queen 2015 competition , 1st place ang Austria, pumangalawa ang Milan, pangatlo ang Padova at ang pang-apat ay ang Bergamo. Ang best in mascot at ang grupo mula sa Associazione Culturale Filippina del Piemonte (ACFIL-TORINO). Most Numbered Performers in a Contingent ay ang Filipino Chaplaincy of Padova.
Best in Sinulog Costume ang Filipino Chaplaincy of Padova, Cebuanos & Friends Association of Milano at ang Filipino Catholic Community of The Our Lady of Peñafrancia of Bergamo. Samantala ang best in Sinulog Choreography for Ground Presentation ay ang Cebuanos & Friends Association of Milano,Filipino Chaplaincy of Padova, at ang Filipino Chaplaincy of Treviso.
 
Sa pamamagitan ni Father Paulino, Vicenza Chaplain at National Coordinator of Migrants in Italy, ipinaalam sa lahat na ang susunod na Sinulog Festival para sa taon 2017 ay gaganapin sa Basanno del Grappa, Veneto Italy sa ika 29 ng Enero.
 
 
 
 
Chet de Castro Valencia
Photo credits:
United Pinoygraphers Club Milano
Melvin Saballa
Jes Bautista
 
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

INC Evangelical Mission On-Air and Online – Tagumpay!

Matarella, binati ang mga imigrante bilang ‘mga kaibigan’