in

New Year’s Resolution na nagtagal hanggang Valentine’s Day

PAALALA: Ang kwento pong ito ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan. Layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa para sa Buwan ng mga Puso!
Hayup ka !! Hayup ka!!!” Matindi ang galit ni Patricia. “Madama mo sana ang lahat ng sakit na ipinadama mo sa akin” dagdag pa nito.
Sa loob ng halos walong taong pagsasama ng mag-asawa ay parang aso at pusa ang dalawa. Sa Roma na sila nagkakilala at pareho silang kinuha ng kanilang mga magulang pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Maputi, maganda at matangkad si Patricia na bagay sa kanyang trabaho bilang teller sa isang italian remittance center.
Amore naman hindi lang tayo nagkaintindihan“. Masuyo at nang-aamo ang boses ni Ramon sa kabilang linya ng telepono. “Hindi naman Martes ang usapan natine eh.. Biyernes ang natatandaan ko.” Ipinipilit ng kabiyak ang kanyang dahilan.
Masipag din sa trabaho si Ramon. Nag two shift siya sa trabaho bilang waiter sa hotel kung saan naglilingkod din ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang lunch date nilang mag asawa. Sa Pampanga pa lamang ay hubog na sa trabaho ang kayumangging katawan ni Ramon. Hindi man kaguwapuhan ay lapitin siya ng mga babae dahil sa magiliw at masayang kausap ito.
Sa loob ng walong taon ay gumagawa ka ng new year’s resolution para sirain lamang bago dumating ang San Valentino.” May halong iyak ang mga salita ni Patricia.
“Kasalanan ko na, sorry na dear“, patuloy ang paghingi ng tawad ng asawang lalaki.
“Sawang-sawa na ako! Pag hindi trabaho ay mga barkada ang inuuna mo! Shit! Doon ka na lamang sa barkada mo at huwag ka nang umuwi sa amin!!” Galit na ibinagsak ng may bahay ang telepono.
Wala na ang kausap sa telepono ay halos rebulto si Ramon sa harap ng hotel na pinagtatrabahuhan. Sa unang pagkakataon ay seryoso at tunay ang galit sa boses ng kanyang asawa. Hiwalay ang hinihingi ng kabiyak dahil lamang sa usapan nilang lalabas para kumain. Sa pagkakataon na iyon ay trabaho at hindi barkada ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang labas nila. Nagger si Patricia at workaholic si Ramon. Pareho silang may mga barkada subalit sa loob ng walong taon ay hindi sila binigyan ng supling at pati narin ng pagkakaunawaan. Siguro sadyang isang anak ang maaaring magpabago sa takbo ng buhay ng mag asawa.
Unawain mo na lamang si Ramon, siguro ay nahilingan ng Director niya na rumilyebo sa isang kasama sa trabaho“, ang wika ng ina ni Patricia habang iniaabot ang isang tasa ng mainit na tsa. “Ano na lamang ang sasabihin ng mga kababayan natin dito sa Roma, napaka engrande ng kasal ninyo ay hindi naman nagtagal ang inyong samahan.  Magpahinga ka na at mamaya lamang ay darating na iyon upang sunduin ka at bumalik na kayo sa apartment ninyo”.
“Kulang na lamang ay si Maria De Filippi ang umaksyon para magkabati kayo!” ang pabirong wika ng ama habang iniaabot ang isang malamig na bote ng Peroni. “Alam mo anak papunta ka pa lamang ay pabalikna ako. Mahirap espelengin ang mga babae pero kapag mahal mo siya ay kahit wrong spelling ay tutuloy ka pa rin. Hintayin mo ang nanay mo , maghapunan tayo at tapos ay dumaan ka muna sa tindahan ng bulaklak bago ka tumuloy kina balae. Sunduin mo na at umuwi na kayo sa inyo”, pagtatapos na payo ng ama.
Sa loob ng walong taon ay paulit ulit ang eksenang iyon subalit disedido na din si Ramon hawak ang chocolates and roses ay tumungo siya sa bahay ng biyenan. Ibibigay na lamang niya ang regalo sa asawa para na nalalapit na Valentine’s Day at aalis na siya upang bigyan ng pagkakataon ang asawang makapag isip isip. Puno na din si Ramon sa pang-aaway ng kabiyak at handa na siyang bigyan ng konsiderasyon ang hamong hiwalay ni Patricia.
Ding Dong!!! Ding Dong!!! Seryoso ang mukha ng lalaki habang walang tigil sa pagpindot ng doorbell. Lalo siyang kinabahan ng ang biyenan nito ang nagbukas ng pinto at hindi si Patricia.
Mano po Inay, si Patricia po?” tanong ni Ramon sa ina ng asawa.
Nauna nang umuwi sa inyo ipagluluto ka daw ng paborito mong adobo”, paliwanag ng ina. “Hala sige na at umuwi ka na sa inyo at parang awa na ninyong dalawa igawa na ninyo kami nila balae ng apo at nang matigil na din ang bangayan ninyong dalawa” pahabol pa nito.
Mabilis na tinahas ni Ramon ang daan patungo sa kanilang bahay. Sa pagkakataong ito ay mukhang nabago ang twist ng storya. Si Patricia ang nagpakumbaba at hindi na hinintay ang panunuyo niya. Naisip din niyang tama ang sinasabi ng kanilang mga magulang kailangan ang isang anak para tawagin silang isang pamilya. Kailangan ang isang apo para magbigkis ang samahan ng pamilya at mga lolo at lola. Kailangan ang isang anak upang tunay na maging tanda ng kanilang pagmamahalan at maalis na sa loob ng kanilang tahanan ang awayan na tila aso at pusa. San Valentino na , araw ng mga puso, araw ng tunay na tibok ng pag ibig. Halos liparin ni Ramon ang daan patungo sa kanilang tahanan.
Tomasino de Roma
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Araw ng mga Puso, ang pinagmulan

Reflections, ang obra ni Jerico sa Casal de’pazzi Museum