Ang hawak ko pong dokumento sa kasalukuyan ay ‘permesso di soggiorno per attesa occupazione’. Ano po ang dapat kong gawin ngayon na mayroon na ulit akong trabaho?
Mayo 18, 2016 – Ang mga foreign nationals na mayroong permesso di soggiorno per attesa occupazione na nakakita muli ng panibagong trabaho bago ang deadline ng validity ng permit to stay, ay maaaring mag-request sa Questura ng releasing ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato.
Ang duration ng permit to stay ay batay sa uri ng contract of employment. Halimbawa, kung ang worker ay mayroong permanent contract o rapporto di lavoro a tempo indeterminato, ang permit to stay ay magkakaroon ng 2 taong validity. Kung ito ay short-term contract o rapporto di lavoro a tempo determinato, ang validity ng permit to stay ay ibibigay ng 1 taon.
Ang dokumento na nagpapatunay na ang dayuhan ay may regular na trabaho ay ang pag-rerehistro ng trabaho sa Inps o ang kilalang denuncia del rapporto di lavoro domestico all’Inps para sa mga colf, caregivers at baysitters at ang modello UNILAV para naman sa ibang subordinate job.
Sa aplikasyon ng releasing ng permesso di soggiorno per lavoro subordinato ay kailangang ilakip ang kopya ng sumusunod na dokumento:
– Balidong pasaporte (pahina ng personal information ng may-ari, anumang timbro ng renewal, exit at entry sa bansa)
– Fiscal code o health care card (na ginagamit din tulad ng fiscal code)
– Balidong permit to stay
– Rehistro ng domestic job sa Inps o ang modello UNILAV (batay sa uri ng trabaho)
– Balidong dokumento ng employer
– Dokumento ng tinitirahan (kontrata ng upa, hospitality document o cessione di fabbricato) lalong higit kung nabago ang uri ng accomodation;
Kailangan ding i-fill up ang mga forms na nasa ‘kit’ na matatagpuan sa Sportello Amico ng mga post offices. Ang operator ay hihilinging makita ang orihinal na pasaporte at permit to stay. Matapos masuri na kumpleto ang mga dokumento at matapos ang mga bayarin, ang operator ay magpapatuloy sa pagpapadala online ng aplikasyon at bukod sa resibo ng renewal ay ibibigay rin ang isang liham kung saan nasasaad ang petsa para sa finger prints sa Questura. Ito ay nangangahulugan na ang dayuhan ay alam na kung saan at kailan ang kanyang appointment upang dalhin ang lahat ng mga orihinal na dokumento na inilakip sa aplikasyon kasama ang 4 na pinaka-bago, pare-pareho at puti lamang ang background na id pictures. Ilang linggo makalipas ang finger prints, ang himpilan ng pulis ay ibibigay ang permesso di soggiorno per lavoro subordinato.
Upang malaman kung handa na ang permit to stay ay kailangang mag-log on sa http://www.poliziadistato.it/articolo/15002/ at i-type ang numero ng registered mail (ang password sa resibo na may hologram).