in

Mag-aaral na anak ng mga imigrante sa Italya, higit sa 800,000

Narito ang datos buhat sa Ministry of Education para sa isang hamon ng pagiging higit na multi-cultural. Mga Pilipinong mag-aaral, sa unang pagkakataon, ay kabilang sa unang limang nationalities na pinaka malaki ang bilang.
 
Roma – Pebrero 25, 2015 – Inaasahang aaprubahan ang pinakahihintay na reporma sa edukasyon ng Council of Ministries na nakatakda sa Pebrero 27. Sa mga pagbabagong hatid ng reporma ay kabilang ang mga anak ng imigrante, halimbawa ay ang pagtuturo ng italian language bilang ikalawang linguahe sa mga bagong dating sa bansa. 
 
Ang integrasyon ng mga kabataang ito ay isa sa pinakamahalaga sa ‘La Buona Scuoladecree, dahil “ang paaralan ay ang base, ang pinaka-angkop na lugar sa pagiging tunay na mamamayan”, ayon kay Stefania Giannini ng Ministry of Education nitong Huwebes sa pagbubukas sa isang pagdiriwang “Le scuole in contesti multiculturali. Promuovere e governare l’integrazione", na dinaluhan ng 250 principals, guro, magulang, mag-aaral at mga kinatawan ng iba’t ibang asosasyon. 

 
“Nais naming magbigay sa mga paaralan ng mga instrumentong pang-agham, pang-edukasyon at angkop na organisasyon at gawing sentro ang pagtuturo ng wika dahil ito ang susi sa mahusay na komunikasyon at epektibong integrasyon”, bigay-diin ni Giannini. Sa nasabing okasyon, ay inilunsad ang buod ng Alunni con cittadinanza non italiana. Tra difficoltà e sucessi, isang ulat buhat sa Ministry at Ismu na nakatakdang ilathala. 
 
Ang ulat ay naglalarawan ng bagong mukha ng mga paaralaan, kung saan sa school year 2013/2014 ay mayroong 803,000 mag-aaral na non-italians, katumbas ng 9% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral. Kumpara noong 2001/2002 ay mayroon lamang 196,000 at kumakatawan sa 2,2% ng kabuuang bilang, samakatwid ay tumaas ng apat na beses.  
 
Sa school year 2013/14, sa unang pagkakataon ay kabilang ang mga kabataang Pilipino sa unang limang nationalities na pinaka malaki ang bilang, 24.839. Nangunguna pa rin ang mga kabataang Romanians na may bilang 154.621, sinundan ng mga Albanians 107.847, Moroccans 101.176. Matapos ang malaking agwat, ay sumunod ang mga Chinese 39.211 at ika-lima ang mga Pilipino. 
 
Sa mga personal documents ng mga kabataang ito ay makikitang patuloy silang nanantiling mga dayuhan at ito ay isang pagkakamali. Dahil higit sa kalahati ng bilang na ito o ang 415.283 o ang 51.7% ay ipinanganak sa Italya, at sa ayaw man o sa gusto ng mga mambabatas, ang bilang na ito ay magkakaroon ng italian citizenship sa nalalapit na panahon. 
 
Sa halip, ay kinakailangang pagtuunan ng pansin ang hirap na pinagdadanan ng mga kabataang ito sa kanilang mga paaralan at pag-aaral. Ayon sa ulat ay mas mataas umano ang bilang ng mga repeaters kumpara sa mga mag-aaral na italyano sa lahat ng antas. Isang puwang na maiiwasan kung ang paaralan ay tunay na maayos para sa lahat.    
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CU o certificazione unica, para rin sa mga colf, babysitters at caregivers?

OFW WATCH ITALY, idinaos unang pambansang pulong at talakayan ukol sa Pilipinong Manggagawa