in

Servizio Civile Nazionale, nangangailangan ng 30,000 mga kabataan, kahit dayuhan

Inilathala kamakailan ang bagong public announcement, hindi na binanggit ang italian citizenship bilang requirement. Aplikasyon hanggang April 16. 
 
 
 
 
 
 

 
Roma – Marso 19, 2015 – Matapos ang ilang taon ng protesta, legal na proseso at hatol, ang Estado, sa wakas ay kumbinsido na: kahit ang mga kabataang ‘dayuhan’ na naninirahan sa Italya ay maaaring makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang pagsali sa Sevizio Civile o Civil Service.
 
Ito ang kinumpirma ng bagong public announcement na inilathala kamakailan ng Servizio Civile Nazionale, kung saan 29,972 ang kinakailangang bilang ng mga kabataang boluntaryo mula 18 hanggang 28 anyos. Sa mga requirements ay hindi na obligado ang italian citizenship. 
 
Maaring lumahok ang lahat ng “mamamayang Europeo, miyembro ng pamilya ng mga mamamayang Europeo na may permanent residency, ang mga mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno, ang mayroong asylum at international protection permit to stay”. 
 
Ito ay isang tagumpay para sa mga anak ng mga imigrante o ang tinatawag na ikalawang henerasyon, mga kabataang lumaki sa Italya ngunit apektado ng kasalukuyang batas sa pagkamamamayan. Sa mga nagdaang taon, ilan sa kanila ang nag-file ng reklamo ng diskriminasyon laban sa public announcement na ekslusibong nakalaan lamang sa mga italyano at ang mga hukom ay binigyang katwiran ang mga kabataang ito at sinabing ang requirement ng italian citizenship ay labag sa batas. 
 
Ang mga mapipiling volunteer ay isang taong nakalaang magbigay serbisyo kapalit ang buwanang allowance na nagkakahalaga ng 433,88 euros at karagdagang 15,00 euros kung sila ay magbo-boluntrayo sa ibang bansa. Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang alas 4 ng hapon ng Abril 16 direkta sa mga angkop na tanggapan. Sa website ng Servizio Civile Nazionale ay matatagpuan ang public announcement, ang mga forms at ang lahat ng mga proyektong nangangailangan ng mga boluntaryo. 
 
isinalin sa tagalog ni Pia Gonzalez-Abucay
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Ihinto ang health assistance sa mga undocumented” – Matteo Salvini

Jacquiline at Kim, sa La Mente Artistica 2015