in

Students Acquaintance Recital ng One Note Station, isang tagumpay!

“A HOUSE WITHOUT MUSIC, IS LIKE A BODY WITH A SOUL” – St. John Bosco

Milan, Abril 10, 2015 – Isang grupo ng mga Pinoy sa Milan, Italy ang naghanda ng isang recital para sa mga kabataan. Ito ang unang pagkakataon na humawak ng mga musical instruments at umawit ang mga kabataang ito.

Labing apat na mga kabataan mula 2 hanggang 17 taon gulang ang nagpakitang gilas sa unang pagkakataon na humawak ng mga musical instruments. Sila ay hinuhobog sa musika ng One Note Station founder na si Amelia Maldia.

Siguro ako ang may misyong mag-share ng talent sa mga bata at ‘yong mga tinuruan ko ay makapag-express ng kanilang mga natutunan”, ayon kay Amelia sa panayam ng Ako ay Pilipino.

Labis naman ang tuwa at paghanga ng mga magulang at ipinagmamalaki ang kani-kanilang anak na lumahok sa recital.

Isa na dito si Nilo de Villa, ang ama ni Bea, 6 na taon gulang. Ayon kay Nilo,  hindi niya akalain na marunong na pala ang anak na tugtugin sa organ ang mga paborito niyang kanta. Bukod sa kanyang music teacher ay tinuturuan din siya ng kanyang ina.

Sa isang bahagi ng recital ay inawitan ni Bea ang ama ng tagalog version ng “Dance with my father” kasabay ang pagtugtog ng organ. Naging madamdamin ang bahaging ito at napag-alaman ng AaP ang nalalapit na pag-uwi sa Pilipinas ng mag-ina. Sa Pilipinas na umano mag-aaral si Bea habang si Nilo ay mananatili sa Italia upang suportahan ang magandang buhay na kanilang inumpisahan.

May maganda kaming plano para sa kanya habang siya lumalaki”, dagdag ni Nilo.

Samantala si Enrie Bauyon, ay may dalawang anak na kasali sa recital. Iniidolo aniya ni Jake, 7 taong gulang, ang kanyang ate na si EJ, 13 taong gulang sa pagtugtuog ng piano at organ.

Mahigit dalawang buwan pa lang siyang nag-aaral mag-organ. Pag interisado ang bata, madaling matuto”, ani ni Enrie. Kahanga hanga rin ang mabilis na pagbabasa ni Jake ng nota.

 

 

 

 

 

 

 

Panauhing pandangal si Consul General Marichu Mauro, ng PCG Milan, sa naturang programa.

Nagmana aniya ang mga bata sa talento ng mga magulang sa larangan ng musika.“Music is what we are celebrating today, i don’t have to convince you about the power of music. Alam natin kung gaano ka-powerful ang music, that is why we have children who plays  musical instrument, sing and dance”, sinabi ni Mauro.

Samantala, kinagiliwan ng lahat si Jheciah, 2 taong gulang, sa pag-awit ng “Let it go”.

Pasensiya at tiyaga ang kinailangan ni Amelia sa pagtuturo sa mga bata, kung kaya’t naging matagumpay ang kauna-unahang recital sa Milan mula noong naitatag ang One Note Station noong 2011.

Sa huling bahagi ng programa ay hinandugan si Amelia ng isang kanta ng kanyang mga estudyante. Bawat isa ay nagbigay sa kanya ng bulaklak bilang pasasalamat dahil natuto silang gumamit ng mga musical instruments at sa pag-awit.

Napakahirap at kailangan napakaraming pasensiya sa pagtuturo sa mga bata, dahil kailangan ng dedikasyon. Para kang isang ina. Sana suportahan natin ang mga ganitong activities para sa ikabubuti ng ating mga kabataan”, pagwawakas ng One Note Station Founder.

ni: Chet de Castro Valencia

Photo: Jes Bautista

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Masarap na taho, mabenta sa mga Pinoy sa Milan

Foreign Woman Cancer Care, nagbabalik serbisyo!