Binuksang muli ng Ministry of Education ang public competition. Ang buksan ito para lamang sa mga Italians at Europeans ay isang diskriminasyon.
Roma – Abril 28, 2015 – "Walang non-EU substitute teachers sa mga paaralan”? isang diskriminasyon. Dahilan kung bakit ang mga naghahangad na non-EU teachers ay may pagkakataong makapag-turo ngayon sa mga paaralan.
Nagsimula ang lahat noong nakaraang taon, Mayo 2014, noong nagpalabas ng dekreto ang Ministry of Education (Decree 353/2014) upang makalikha ng listahan o graduatorie na sanggunian para sa mga substitutes. Kabilang sa mga admission requirements ay ang italian o european citizenship. Ang tanging listahan kung saan lamang maaaring makabilang ang mga dayuhan ay sa pagtuturo ng “foreign language conversation” at mayroong mas mababang puntos kumpara sa mga Italians at mga Europeans.
Ang Asgi, Avvocati per Niente at ang unyon ng Cub ay nagsampa ng reklamo at tinanggap naman ng hukuman ng Milan nitong Marso.
At isang magandang balita ang dumating para sa mga naghahangad na mapabilang sa nabanggit na listahan buhat sa Ministry of Education.
Sa pagitan ng April 30 at May 29, 2015, ayon sa isang komunikasyon ilang araw na ang nakakalipas buhat sa regional office of education, kung saan nasasaad na ang mga non-EU substitute teachers na mayroong requirements, bukod pa sa mga nabanggit ng dekreto, ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga napiling paaralan, sa pamamagitan ng registered mail, personal o certified email. Ang mga aplikasyon na naisumite na at tinanggihan dahil sa requirement ng citizenship ay muling tatanggapin.
Samakatwid, ay kinakailangang magpatala muli sa listahan na balido hanggang 2017. Bagong trabaho para sa mga paaralan at posibleng isang di kanais-nais para naman sa mga italian subsitute teachers na maaaring maunhan ng mga bagong papasok sa listahan. Isang kumplikasyong maaaring iwasan kung pinag-aralang mabuti ang mga nasasaad sa batas.