in

Paano ang renewal ng permit to stay?

Kailangan kong i-renew ang aking permit to stay. Saan ako dapat lumapit? Isa bang obligasyon ang pagpapatala sa Anagrafe?

 

 

 


Mayo 18, 2015 – Ang renewal ng permit to stay ay kailangang gawin (at least) 60 araw bago ang expiration date nito. Ang proseso ng renewal ng nabanggit na dokumento ay batay sa motibo ng pananatili sa Italya.

Ang tanggapan ng Questura ang pangunahing tanggapang sumusuri sa mga aplikasyon ngunit sa ilang kasong nasasaad sa batas ay kailangang ipadala ang request ng renewal nito sa pamamagitan ng mga post office.

Ang mga nagtataglay ng permit to stay tulad ng mga sumusunod:

  • Affidamento – Guardianship
  • Adozione – Pag-aampon
  • Motivi religiosi – Religious reason
  • Residenza elettiva
  • Studio (per periodi superiori a tre mesi) – Pag-aaral (higit sa 3 buwan)
  • Missione – Misyon
  • Asilo Politico (solo rinnovo) – political asylum (renewal lamang)
  • Tirocinio formazione professionale – internship training
  • Attesa riacquisto cittadinanza – Naghihintay ng reacquisition ng citizenship
  • Attesa occupazione – Naghahanap ng trabaho
  • Lavoro Autonomo – Self- employment
  • Lavoro Subordinato – Subordinate job
  • Lavoro sub-stagionale – Sub-seasonal job
  • Famiglia – Pamilya
  • Famiglia minore con minori di 14-18 anni – Pamilya na may menor de edad na anak  14-18 anyos
  • Soggiorno lavoro ingressi in casi particolari  (art. 27 del D. lgs. 286/98) – Partikular na pananatili dahil sa trabaho (art. 27)
  • Status apolide (rinnovo) – Stateless status (renewal)

ay dapat isumite ang request ng renewal ng permit to stay sa Sportello Amico ng mga Post Office kung saan makukuha rin ang kinakailangang ‘kit’.

Pareho rin ang proseso para sa mga humihiling ng conversion – mula sa tinataglay na permit to stay sa ibang uri nito (conversion sa subordinate job, self-employment, pamilya, pag-aarala). Pati na rin sa mga nais ng duplicate o ia-update ang permit to stay o mag-aplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno ay kailangan ring gumamit ng postal kit.

Ang kit ay kailangang sagutan ng mga personal na datos at mga datos ng hawak na permit to stay, at lakip ang mga kopya ng lahat ng dokumentasyong magpapahintulot sa aplikasyon ng renewal (tulad ng pay envelop, cud, employment contract, sertipiko ng relasyon sa pamilya at iba pa), ay kailangang i-prisinta sa counter ng post office. Ang operator ay ibibigay sa aplikante ang insured receipt na nagpapatunay ng pagsusumite ng aplikasyon ng renewal na pansamantalang magiging balidong dokumento ng pananatili sa Italya hanggang sa ma-renew ang permit to stay. 

Bukod dito ay ipagbibigay-alam rin sa aplikante, ang eksaktong araw at oras kung kailan magpupunta sa Questura para isumite ang mga dokumentasyong inilakip sa aplikasyon at upang gawin ang fingerprint.  

Ang lahat ng ibang uri ng permit to stay na hindi nabanggit sa itaas, ang request ng renewal ng permit to stay ay kailangang gawin direkta sa immigration office ng Questura.

At sa katanungan ukol sa residency, sa Batas ng Imigrasyon  artikulo 5 talata 4, ay nasasaad na nag renewal ng permit to stay ay kailangang gawin sa Questura ng lalawigan kung saan naninirahan ang dayuhan. Hindi isang obligasyon ang patunayan ang pigging rehistrado bilang residente sa anagrafe. Sapat na ang ipakita at mapatunayan ang pagkakaroon ng tahanan, lakip ang kopya ng cessione fabbricato, hospitality declaration at kontrata ng upa o libreng patira sa renewal ng permit to stay.

 

ni: Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay

Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa renewal ng permit to stay sa Italya? Bisitahin lamang Migreat.com, ang aming sister website, para sa inyong mga katanungan.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Aplikasyon sa italian citizenship, online simula ngayong araw

FCRC 2nd President’s Cup 2015, ginanap sa Rimini