Inilathala ng Inps ang pamantayan at ang halagang balido simula sa Hulyo. Ito ay nakalaan para sa mga manggagawa, Italyano man o dayuhan.
Roma – Hunyo 3, 2015 – Taun-taon ay pinapalitan ang halaga ng family benefit o ‘assegni per il nucleo familiare’. Ito ay isang tulong pinansyal na ibinibigay na walang anumang pagkakaiba sa pagitan ng pamilyang Italyano at pamilya ng mga imigrante.
Sa katunayan, itinalaga ng Inps kamakailan ang pamantayan sa sahod at halagang katumbas nito. Ito ay upang i-angkop sa bahagyang pagtaas ng cost of living. Ang mga bagong halaga ay balido simula July 1, 2015 hanggang June 30, 2016.Narito ang talaan.
Ang family benefit ay nakalaan sa mga manggagawa, pensyonado at ilang kategorya ng parasubordinati (tulad ng coordinators at mga free lancers na nakatala sa ‘gestione separata’ ng Inps). Hindi mahalaga ang nasyunalidad, ang mahalaga ay ang kabuuang sahod ng mga bumubuo ng pamilya ay hindi dapat lalampas sa itinakdang pamantayan.
Paano mag-aplay? Ang karamihan ng mga manggagawa ay direktang isusumite ang aplikasyon sa mga employer na ilalakip naman ang benepisyo sa pay envelope ng mga workers. Samantala, ang mga colf, caregivers at baby sitters ay ipapadala ang aplikasyon sa Inps na direktang magbibigay naman sa kanila ng benepisyo.
Assegno al nucleo familiare, i valori validi dal 1 luglio 2015 al 30 giugno 2016