in

Civil Service, para sa lahat at labag sa batas kung para sa mga Italyano lamang

Tinanggal ng Constitutional Court ang requirement ng citizenship. "Kahit ang mga dayuhan ay may karapatan at tungkuling maging kapaki-pakinabang sa lipunan"
 

 

 


Roma – Hunyo 29, 2015 – Mula ngayon ay wala ng maikakatwiran pa. Kahit ang mga kabataang dayuhan ay maaaring maging boluntaryo ng National Civil Service o Servizio Civile Nazionale. Ang patakarang nag-oobliga sa pagkakaroon ng italian citizenship ay wala na. Ito ay tuluyan ng tinanggal dahil labag sa prinsipyo ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay na isinasaad sa Saligang Batas.
 
Ito ay ang hatol na inilabas ilang araw ang nakakalipas ng Constitutional Court upang tapusin ang tumatagal na sibil at legal na labanan. Matatandaang ilang ulit ding tinanggihan ng hukom ang mga public competition buhat sa gobyerno na esklusibong nakalaan lamang para sa mga Italians dahil sa paglabag nito sa batas. Sa katunayan, sa 30,000 libong mga recruited volunteers ngayong 2015 ay tinanggap rin ang mga dayuhan. 

 Nagsimula ang lahat sa isang reklamo na isinumite sa Milan noong 2011 ng isang binatang anak ng Pakistani kasama ang mga asosasyon ng Asgi at Avvocati per Niente laban sa isang public competition kung saan hindi pinahintulutang lumahok bilang boluntaryo sa civil service sa Milan kung saan sya lumaki. Binigyang katwiran ng hukom ang binata sa una at ikalawang pagkakataon, ang Korte Suprema sa kabila ng parehong pananaw ay hiniling ang pamamagitan ng Constitutional Court.

Ito ang dahilan ng paglabas ng hatol ilang araw na ang nakakalipas kung saan makikitang nasasaad “ang pagiging labag sa batas ng artikulo 3 talata 1 ng legislative decree noong April 5, 2002, bilang 77 (ang implementing rules Servizio Civile Nazionale batay sa artikulo 2 ng March 6, 2001 bilang 64), sa bahagi kung saan nasasaad ang italian citizenship bilang requirement sa pagpasok at pagtupad ng tungkulin sa civil service”.

Ang pagpasok sa civil service – ayon sa hatol – ay nagpapahintulot sa panahon ngayon upang tupdin ang obligasyon o tungkulin ng pagtulong  at ang maging kapaki-pakinabang para sa komunidad at lahat ng ito ay katumbas ng karapatan ng sinumang bahagi ng komunidad”. “Ang pagtatanggal sa mga dayuhang kabataan na regular na naninirahan, sa mga akitibidad kung saan sila ay bahagi ng tungkuling ito ay maituturing na hindi makatwiran”.

 Ang civil service ay dapat ding tingnan bilang isang oportunidad ng integrasyon, pundasyon ng citizenship at mga aktibidad ng social engagement na lahat ay pawang mga batayan ng maayos na pamumuhay.

"Ang pagbubukod sa mga banyagang mamamayan – ayon sa Constitutional Court – ay paghahadlang sa mga ito na maging bahagi ng proyektong makakabuti sa sosyedad at samakatwid ay ang pagtatanggal sa kanila bilang bahagi ng mahalagang serbisyo para sa kapakanan ng lahat na magdudulot ng hindi makatwirang limitasyon sa personal na pag-unlad at sa integrasyon nila sa host country”.

"Ang hatol ay isang mahalagang desisyon, na nakakaapekto sa pinaniniwalaang  citizenship at sa bansa: pawang mamamayan ang lahat ng bahagi ng komunidad kung saan sila sama-samang namumuhay at sa bawat isa ay nakalaan ang patas na karapatan at obligasyon”, ayon kay Atty.  Alberto Guariso, ang humawak sa kasong isinumite ng binatang Pakistan at ng mga asosasyong ASGI at APN.

Ang hatol ay makakatulong din sa Parliyamento, na kasalukuyang nakatuon sa paglulunsad sa reporma ng Thrid Sector kung saan bahagi rin ang Servizio Civile. Ang parehong gobyerno at Chamber of Deputies ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na ilagay sa teksto ang pagbubukas sa mga kabataang dayuhan. Sa ngayon ang Senado ay maaari na itong isulat matapos mapatunayan na ito ay hindi nalalayo espiritu ng  Konstitusyon.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

GLOBAL WALK 2015 NG CFC, TAGUMPAY

Pinoywise, tagumpay sa Roma