in

Pinoywise, tagumpay sa Roma

Ang Pinoy WISE o Worldwide Initiative for Investment, Savings and Entrepreneurship (WISE) ay naglalayong maturuan ang mga ofws upang maging maingat sa kinikitang pera at maglaan ng puhunan sa mga pagkakakitaan.

 

 

 


Roma, Hunyo 30, 2015 – Matagumpay na naidaos ang Pinoywise Overseas Filipino Marketplace Event noong ika-21 ng Hunyo sa Via Ferrucio 19 sa Roma. Ang nasabing pagtitipon ay nilahukan ng mahigit sa 100 community leaders at mga ofws na may interest din sa negosyo at pamumuhunan.

Ang delegasyon ng Pinoywise ay pinangunahan nila Congressman Rico Geron, Representative ng AGAP Partylist at ni Vice Gov. Marc Leviste ng Batangas at mga pinuno ng Dept of Tourism, Privincial Govt officers of Oriental Mindoro, Batangas, Tarlac, Laguna at Bohol. Kasama din nila upang magpaliwanag ng maraming posibilidad sa pagnenegosyo sa Pilipinas ang mga kinatawan ng mga financial institutions tulad ng Land Bank, Soro soro Ibaba Devt. Cooperatives, St. Jude Multi-Purpose Cooperative at Federation of Sheep and Goat Producers Association of the Philippines.

Ito ay idinaos din sa Milan noong ika-20 ng Hunyo kung saan sina Senator Ralph Recto at si Batangas Governor Vilma Santos naman ang nagpaliwanag sa mga Pilipino sa Milan.

Ang inisyatibang ito ay sa pamumuno ng Atikha Overseas Workers and Communities Initiatives sa pamumuno ni Mai Dizon-Anonuevo at sa tulong na din ng UN-IFAD, at ng Union of local Authorities of the Philippines.  

Ang Pinoy WISE na tumutugon sa Pinoy Worldwide Initiative for Investment, Savings and Entrepreneurship (WISE) at naglalayong maturuan ang napakaraming ofws upang maging maingat sa kinikitang pera, matutong magtipid at maglaan ng kaunting puhunan sa mga gawaing pagkakikitaan, at maipakita ang iba’t-ibang mga proyekto pang agrikultura at turismo na maaaring salihan ng mga ofws habang sila ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho.  Ito ay naglalayon din na magkaroon ng mga tie-ups at partnership sa mga kooperatiba sa Pilipinas at mga asosasyon ng mga Ofws sa labas ng bansa.

Bukod sa agrikultura at turismo ang Pinoy WISE ay nag bukas din ng pagkakataong mag invest sa ekolife, ekotour at renewable Energy projects na bukod sa oportunidad na kumita ay higit nilang binibigyang diin ang pag-iingat sa natura at kalikasan.

Ang matagumpay na pagtitipon sa Roma ay sa pamumuno ni Mons. Jerry Bitoon, Presidente ng ENFiD- Italy na siyang nagkoordina ng mga pagdalo ng mga pamunuan at mga kasapi ng mga Hometown Associations sa Roma at karatig pook.  Naging malaki ang interes ng mga Pilipino sa Roma sa mga agribusiness tulad ng Sheep and Goat farming, manukan, cassava and banana farming at ganun din sa mga pang turismong inisyatiba tulad ng hotel and restaurant cooperatives, bed and breakfast at mga ecotours na kinagigiliwan ng mga turista sa atin.

Sa pagtitipon ding iyon ay ipinaliwanag ang proyekto ng Regione Lazio- PRILLS na naglalayong magbigay ng serbisyo, impormasyon at pagsasanay para sa mga dayuhan ng rehiyon. Ito ay naglalayon din na maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng wika at kultura ng Italya na siyang gabay sa integrasyon.

Bukod sa Roma at Milan ay nagtungo din ang mga kinatawang galing sa Pilipinas upang magpaliwanag sa mga kababayang nagtatrabaho sa Singapore (March 15), Hong Kong (April 26), Qatar (June 12) at sa UAE (July3).

ni: Tomasino de Roma

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Civil Service, para sa lahat at labag sa batas kung para sa mga Italyano lamang

Citizenship, higit na impormasyon sa panahon at dapat gawin sa kaso ng pagkaka-antala