Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Jose P. Rizal at Charter day of Knights of Rizal, tatlong okasyong ipinagdiwang ng The Order of the Knights of Rizal.
Florence, Hulyo 2, 2015 – Ang Order of the Knights of Rizal sa Italya ay naging aktibo sa pagdiriwang ng tatlong mahahalagang okasyon o ang trium-occasion nitong Hunyo. Ito ay ang ika-117 taong Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ang ika-154 taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Jose P. Rizal at ang ika-64 Charter day of Knights of Rizal.
“On this trium-occasion of June, 2015 let us ‘Rizalize' ourselves, no more, no less. Let us live by the example of uniting and unifying our filipino differences towards perfect harmony and synergy of purposes”.
Bagama't tayo ay malayo sa ating bansang Pilipinas ay ipinakikita natin ang pagbibigay galang at rispeto sa ating kasaysayan. Ang Order of the Knights of Rizal ay nagbibigay pugay sa lahat ng ating mga Bayani na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para lamang makamit ang ating matagal na minithing kalayaan.
Non Omnis Moriar!
KALAYAAN 2015: “Tagumpay sa Pagbabagong Nasimulan, Abot-Kamay na ng Bayan”
Rome, Italy – June 14, 2015 – Dinaluhan ng Order of the Knights of Rizal Italy ang ginanap na pinakamalaking selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na inorganisa ng PIDA sa Rome, Italy. Sa pagbubukas ng seremonya ni PIDA President Augusto Cruz para sa ginawangpag-aalay ng korona sa Monumento ni Gat Dr. Jose Rizal at Pambansang Awit ng Pilipinas sa Piazzale Manila sa pangunguna ni Philippine Ambassador to Italy H.E. Domingo Nolasco at Ambassador to the Holy See H.E. Mercedes Tuazon, mga miyembro ng Knights of Rizal at ilang mga panauhin.
Kabilang sa nagbigay ng mensahe ang Order of the Knights of Rizal Area Commander for Italy Carlos Simbillo para patuloy na pagkilala sa ating mga bayani na sina Gat Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para sa ating Kalayaan, “Mabuhay tayo na may dakilang layunin, pangarap at pag-asa bilang pagtugon sa panawagan ng ating Pangulo para sa pagpapatuloy ng matuwid na landas”.
Nag-alay din ng bulaklak at pag-galang ang Knights of Rizal Frosinone Chapter sa pangunguna ng kanilang Chapter Adviser Salvatore Olivari de La Moneda kasama ang ilang mga opisyal. Sa isang munting pasasalamat ay nag-alay din ang Knights of Rizal para sa ating mga mahal na Ambassador Nolasco at Ambassador Tuason ng Order of the Knights of Rizal Commemorative Coin na iniabot ng Firenze Chapter Commander Dennis Reyes at dating Frosinone Chapter Commander Salvatore de La Moneda. Ang selebrasyon na sinaksihan ng ating mga kagalang-galang na kinatawan ng Philippine Embassy Rome, PIDA Rome, mga miyembro ng Knights of Rizal Rome, Firenze at Frosinone Chapter kasama ang Ladies for Rizal, GEMPA, mga makabayang Guardians na patuloy sa taunang pagbibigay galang sa monumento ng ating Pambansang Bayani.
Muling ipinagpatuloy ang selebrasyon sa Piazzale Ankara na dinaluhan ng napakaraming mga Pilipino para sa taunang parada at Cultural presentation ng ating mga kababayan na lumahok.
Firenze at Empoli, Italy – June 21, 2015 – Muling pinatunayan ng Knights of Rizal, Firenze Chapter at Ladies for Rizal ang pagmamahal sa ating Araw ng Kalayaan at sa ika-154 taong anibersaryo ng Kaarawan ng ating Pambansang Bayani sa pamamagitan ng pagdalo sa Independence day celebration sa Firenze at sa ginanap sa Empoli na taimtim na nagbigay pugay sa ating bayani na si Gat Jose Rizal sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at isang Banal na Misa ng Pasasalamat na pinangunahan ni Rev. Fr. Cris Crisostomo, Jr. at ng Sentro Katoliko Pipino ng Empoli sa pakikipagtulungan ni Chapter Commander Dennis Reyes ng Firenze Chapter at Firenze Deputy Chapter Commander Percival Capsa. Naging unang panauhin ang ating Philippine Honoray Consul General at Knights of Rizal Firenze Chapter Adviser Dr. Fabio Fanfani, Avv. Jacopo Mazzantini, Assesore mula sa Comune ng Empoli, Sir Ofring Sale, KCR, Knights of Rizal Deputy Area Commander for Germany at iba pang mga pinagpipitaganang Lider ng mga organisasyon sa Firenze at Empoli.
Sundang ang buong ulat sa www.migreat.it/tl