in

Permit to stay, ang halaga sa renewal nito

Magandang araw. Ako po ay nagpunta sa Italya sa pamamagitan ng family reunification at ngayon ay kailangang kong mag renew ng permit to stay. Magkano po ang buwis na binabayaran? Magkano ang renewal?
 

Rome – Agosto 5, 2015 – Ang pagiging regular na migrante sa Italya ay naging mamahalin simula noong 2012 nang simulang ipatupad ng pagbabayad ng mga kontribusyon para sa releasing at renewal ng permit to stay.

 Ang halaga ay nag-iiba batay sa validity ng permit to stay:
–    80 euros kung ang validity ay mula tatlong (3) buwan hanggang isang (1) taon;
–    100 euros kung ang validity ay mas matagal sa isang (1) taon at mas mababa o hanggang dalawang (2) taon;
–    200 euros kung EC long term residence permit o carta di soggiorno.
 
Exempted sa payment ang mga
–    minors;
–    ang sinumang dumating sa Italya for medical purposes kasama ang tagapag-alaga;
–    ang humihingi ng asylum permit to stay;
–    international protection o humanitarian purposes;
–    ang mga maga-update ng permit to stay na balido pa
–    ang magko-convert ng permit to stay na balido pa
 
Ang kontribusyon ay hindi ang natatanging gastusin para sa releasing o renewal ng dokumento. Kailangan rin ang sumusunod:
–    magbayad ng 27,50 euros para sa releasing ng electronic permit to stay;
–    revenue stamp na nagkakahalaga ng 16 euros na ilalakip sa aplikasyon;
–    30 euros na kabayaran sa serbisyo ng Poste Italiane
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kombensyon ng mga Saksi ni Jehova sa Wikang Tagalog para sa Buong Europa

Family reunification, halaga ng sahod na kailangan sa pagpunta sa Italya ng asawa at anak