Nais kong papuntahin sa Italya ang aking asawa at 2 anak. Dito sa Italya ay kasama ko na ang aking 15 taong gulang na anak. Magkano ang income na kinakailangan?
Marso 22, 2016 – Ayon sa Batas sa Imigrasyon, ang dayuhang regular na naninirahan sa Italya ay maaaring
mag-aplay para sa family reunification ng pamilya kung nagtataglay ng minimum salary required, buhat sa legal na paraan, na hindi bababa sa social allowance o assegno sociale at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat miyembro ng pamilyang idadagdag.
Para sa taong 2016, ang halaga ng assegno sociale ay € 5,825. Samakatwid, ayon sa kasalukuyang batas, sa bawat dependent na miyembro ng pamilya, ang aplikante ay kailangang kalkulahin ang karagdagang € 2,912.50.
Para sa family reunification ng 2 o higit pang menor de edad na mas bata sa 14 anyos, ay hinihingan ng sahod na hindi bababa sa doble ng halaga ng social allowance. Samakatwid, hindi isinasaalang-alang ang bilang ng anak na mas bata sa 14 anyos na nais papuntahin sa Italya, ang halagang dapat kalkulahin ay palaging ang doble ang halaga ng social allowance na € 11,650 sa taong 2016.
Kung ang papupuntahin naman sa Italya ay hindi lamang ang mga menor sa 14 anyos kundi pati ang mga anak na higit sa 14 anyos o ang asawa o ang magulang, ang halagang kinakailangan para sa mga anak ay ang sumatutal ng kalahati ng halaga ng social allowance sa bawat miyembro ng pamilya na kukunin.
Halimbawa, kung ang aplikante ay may 3 anak na mas bata sa 14 anyos at isang higit sa 14 anyos, para sa taong 2016 ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng sumusunod na kita:
11,650 (para sa tatlong menor de edad na mga anak) + 2,912.50 (para sa anak na higit sa 14 anyos), para sa kabuuang halaga ng € 14,562.50
Sa kalkulasyon ng sahod, gayunpaman, ang aplikante ay dapat ring kalkulahin ang dependent na miyembro ng pamilya na nasa Italya na. Ito ay nangangahulugan na kung nasa Italya na ang magulang, asawa at anak na dependent, ang aplikante ay kailangang mayroong sahod na magpapahintulot na matustusan hindi lamang ang mga dependent na miyembro ng pamilya na nasa Italya na, pati na rin ang mga miyembro ng pamilya na papupuntahin sa Italya. Gayunpaman, ipinapaalala na maaaring pagsamahin ang sahod ng ilang miyembro ng pamilya na kapisan o kasamang naninirahan ng aplikante.
Halimbawa ng kalkulasyon para sa 2016:
a) family reunification ng 1 miyembro ng pamilya (asawa o anak) 5,825 + € 2,912.50 para sa 1 miyembro. Kabuuang taunang sahod katumbas ng € 8,737.50.
b) family reunification ng 2 miyembro ng pamilya (asawa at anak) 5,825 + 2,912.50 (para sa asawa) + 2,912.50 (para sa anak). Kabuuang taunang sahod na 11,650.00.
c) family reunification ng 3 miyembro ng pamilya (asawa at 2 anak) 5,825.00 + 2,912.50 (para sa asawa) + 2,912.50 (para sa unang anak) + 2,912.50 (para sa ikalawang anak). Kabuuang sahod na 14,562.50.
d) family reunification ng 4 na miyembro ng pamilya (asawa at 3 anak) 5,825.00 + 2,912.50 (para sa asawa) + 2,912.50 (para sa unang anak) + 2,912.50 (para sa ikalawang anak) + 2,912.50 (para sa ikatlong anak). Kabuuang sahod na € 17,475.00.
BASAHIN RIN:
5825 euros, ang halaga ng assegno sociale ngayong 2016