in

Carta di soggiorno, maaari ring mag-aplay ang nawalan ng trabaho?

Limang (5) taon na akong mayroong permit to stay. Noong nakaraang taon ay nawalan ako ng trabaho, ngunit ngayong taon ay regular ang aking kontrata sa trabaho. Maaari ba akong mag-aplay ngayong taon ng carta di soggiorno? 

Marso 22, 2016 – Ang issuance ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno ay nangangailangan na ang aplikante ay nagtataglay ng mga requirements tulad ng
–    pagkakaroon ng balidong permit to stay ng limang (5) taon;
–    pasadong pagsusulit sa wikang italyano;
–    pagkakaroon ng angkop na tahanan;
–    hindi pagiging problema sa seguridad at pampublikong kaayusan;
–    pagkakaroon ng angkop na sahod.

Ang kita ay dapat na nagbuhat sa legal na paraan tulad ng subordinate job – anuman ang uri ng kontrata, regular na self-employment o pensiyon. Kahit na ang mga tumanggap ng unemployment allowance o indennità di disoccupazione ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa EC long erm residence permit. Dahil ang nabanggit na allowance ay itinuturing bilang sahod, at samakatwid ay maaaring isama upang maabot ang required salary.

Sa Batas sa Immigration, ang kinakailangan income o sahod na nasasaad para sa releasing ng permit ay hindi dapat bababa sa halaga ng social allowance  (€ 5,825.00 para sa 2016). Sa kasong ang aplikasyon ay para rin sa ilang miyembro ng pamilya, ang kinakailangang sahod ay tumataas batay sa bilang ng dependent na miyembro ng pamilya at sa parehong batayan tulad sa family reunification.

Bukod dito, nasasaad sa kasalukuyang batas na ang aplikante ay kailangang nagtataglay na ng nabanggit na sahod sa naunang taon, dahil dito ay kailangang ilakip sa aplikasyon ang kopya ng income tax return o modello CU at para sa mga kasambahay (colf/badanti) ang mga bollettini Inps o ang estratto conto analitico buhat sa tanggapan ng Inps.

Sa kasong ito, upang mapatunayan ang tinanggap na unemployment allowance ay kailangang ilakip sa aplikasyon ang kopya ng modello CU buhat sa Inps, isang uri ng dokumento na mahalaga upang mapagsama-sama o masumatutal ang sahod para sa minimum required salary para sa releasing ng carta di soggiorno o para sa paghahanda ng income tax return na ilalakip sa aplikasyon.  

 

ni Atty Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni Pia Gonzalez-Abucay

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family reunification, halaga ng sahod na kailangan sa pagpunta sa Italya ng asawa at anak

ENFiD Annual General Meeting at 2nd European Regional Overseas Filipino Conference, tagumpay sa Malta