Hindi na kakailangan ang EC long term residence permit o carta di soggiorno. Ang bagong deadline ay sa Agosto 20 bilang pagsunod sa Constituional Court.
Rome – Agosto 13, 2015 – Tinanggal na ang mga hadlang sa partesipasyon ng mga kabataang dayuhan sa National Civil Service.
Matapos ang naging desisyon ng Constitutional Court na nagtanggal sa italian citizenship bilang requirement, ang pamahalaan ay sumunod at itinama ang huling lumabas na public announcement kung saan nagbibigay ng magandang pagkakataon sa 1000 kabataan. Lahat ng mga kabataang dayuhan na regular na residente sa Italya, na walang italian citizenship, ay may pagkakataong magsumite ng aplikasyon.
At dahil sa banta ng pagsasampa ng demanda ng Associazione per gli Studi Giuridici sull’Immigrazione o ASGI sa hinihinging requirement ng public announcement (bando), ang tanggapan ng National Civil Service ay humingi ng opinyon ng State Legal Advisory na sumang-ayon naman sa Asgi at hininging baguhin ang nasabing public announcement.
Ang bagong teksto ay inilathala kamakailan ay nagsasaad na maaaring lumahok ang mga kabataan na may edad mula 18 hanggang 28, mga European citizen o mga non-EU citizens ngunit regular na naninirahan sa Italya, na walang pagkakaiba anuman ang uri ng residence permit na hawak. Ang mga aplikasyon ay maaaring tanggapin hanggang alas 2 ng hapon ng Agosto 20 2015.
Sa website ng National Civil Service ay matatagpuan ang public announcement at ang listahan ng mga proyekto kung saan maaaring lumahok ang mga kabataan, ang mga application forms at lahat ng iba pang mahahalagang impormasyon.