“Mula Migrasyon hanggang Integrasyon”, layunin sa paglulunsad ng ‘Mga Pilipino sa London’ at ‘Mga Pilipino sa Barcelona’ ng Migreat Communities.
Roma, Agosto 19, 2015 – Lakip ang pagsusumikap, ang Migreat ay lubos na natutuwang ibalita na matapos ang paglulunsad ng bagong plataporma para sa Filipino community sa Rome, Italy ay halos magkasabay na inilunsad ang bagong plataporma para sa Filipino community sa London, UK at Filipino community sa Barcelona, Spain kamakailan.
Layunin ng paglulunsad “Mula Migrasyon hanggang Integrasyon“. Ito ay dahil na rin sa pagnanais na matugunan ang patuloy na lumalaking bilang ng mga Pilipino sa bagong Europa.
Sa katunayan, ayon sa pinakahuling ulat ng Commission on Filipinos Overseas o CFO, noong Disyembre 2013, tinatayang aabot sa 866,187 ang bilang ng mga Pilipino sa Europa, kung saan 421,891 o 49% nito ay ang pawang mga permanent residents, 286,371 o 33% naman ang mga temporary migrants at 157,925 o 18% naman ang mga irregular o undocumented. Samantala, ang mga pangunahing destinasyon ng mga Pilipino sa Europa, ayon pa rin sa ulat ng CFO, ay ang mga bansang UK, Italy, Greece, France, Germany, Spain, The Netherlands, Switzerland.
(Sundan ang buong artikulo sa www.migreat.it/tl)
Sundan at i-like sa facebook ang Mga Pilipino sa Ibayong Dagat