in

Pinakahuling decreto flussi, pinalawig ang deadline para sa mga aplikasyon

Hanggang sa ngayon ay tanging 20% lamang ng kabuuang quota ang may nag-aplay. Ang Ministries of Interior at Labor ay pinalawig ang deadline at in-extend hanggang December 31. 

Roma, Agosto 19, 2015 – Opisyal na layunin ng decreto flussi ang magpapasok ng mga manggagawa mula sa labas ng bansang Italya ngunit ang pinakahuling dekreto ng gobyerno ay hindi tuluyang nagbukas ng border ng bansa. Sa katunayan, pinahintulutan lamang ng nabanggit na dekreto ang 5,500 new entries, at 12,350 naman ang bilang ng conversion ng mga permit to stay ang pinahintulutan para sa mga dayuhang nasa Italya na.

May kabuuang bilang na 17.850 kung saan, tulad ng inaasahan: hanggang nitong simula ng buwan ng Agosto ay 20% pa lamang ang nagagamit. Dahilan kung bakit ilang araw na ang nakakalipas ay nagpasya ng pagpapalawig o extension ng deadline nito hanggang alas 12:00 ng gabi ng December 31, 2015 para sa pagsusumite ng mga aplikasyon na unang itinakda sa katapusan ng Agosto.

Isang komunikasyon sa pamamagitan ng isang joint circular buhat sa Ministries of Interior at Labor ang ipinalabas para sa
nabanggit na extension. Nananatiling online ang pagsusumite ng aplikasyon, sa website ng Ministry of Inteiror, gamit ang sariling computer o sa tulong ng mga patronati o authorized office at mga tinaguriang ‘associazioni di categoria’. Kinakailangang mag-rehistro online para maka-access at tuluyang mapili ang angkop na form na kinakailangan:

Form A at B para sa mga workers na may lahing italyano na residente ng mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil,

Form VA para sa conversion ng mga permit to stay per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di lavoro subordinato.

Form VB para sa conversion ng mga permit to stay per lavoro stagionale sa lavoro subordinato.

Form Z para sa conversion ng mga permit to stay per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo

Form LS para sa conversion ng mga carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa permesso di lavoro subordinato

Form LS2 para sa conversion ng mga carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa lavoro autonomo.

Form LS1 para sa request ng nulla osta sa domestic job para sa mga dayuhang mayroong carta di soggiorno

Form BPS para sa nulla osta na nakalaan sa page-empleyo ng mga dayuhang bahagi ng special project.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Migreat para sa Filipino Communities sa London at Barcelona, inilunsad

LEMERENIANS, sa ikalimang taong pagdiriwang ng town fiesta sa Roma