in

Higit sa 315M para sa asylum, migrasyon at integrasyon sa Italya

Aprubado ng European Commission ang national program ng bagong European fund. Bagong shelter para sa mga refugees, italian courses para sa mga imigrante, mga voluntary repatriation projects.

 

Roma, Agosto 26, 2015 – Ito ay ilan lamang sa mga gagawing aksyon sa Italya simula ngayon hanggang 2020 na popondohan ng FAMI o Fondo europeo Asilo, Migrazione e Integrazione. Ang pondong nakalaan ay tinatayang higit sa 315 million, o 315.355.377 euros.

Ang halaga ay iminungkahi ng Italya sa pamamagitan ng isang detalyadong national program na inilahad ilang buwan na ang nakakalipas sa European Commission. Nitong Agosto ay natanggap ang pag-sangayon ng Brussels sa pamamagitan ng isang desisyon ni Immigration Commissioner Dimitris Avramopuolos.

Ang FAMI (na pinagsasama-sama ang mga dating pondo FEI, FER at RF), ay pamamahalaan ng Department of Civil liberty and Immigration ng Ministry fo Interior, sa pamamagitan ng isang mandate ng Immigration head office at integration policy ng Minitry of Labor. Ang mga nabanggit ang gagawa ng mga public announcement para sa mga proyektong popondohan.

Sa national program na inaprubahan ng Brussels ay detalyado ang mga layunin at paghahati-hati sa nasabing pondo; 122,1 millioniì para sa asylum; 126,5 million para sa integration at migration; 43,7 million para sa repatriation; 5 million para sa settlement sa Italya ng 500 refugees (450 Syrians at 50 Eritreans).

Piano nazionale FAMI 2014-2020

Comunicazione CE

Regolamento 514-2014 attuativo

Regolamento 516-2014 istitutivo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy street food sa Milan

2440 mga namatay sa Trahedya ng Imigrasyon sa Mediterranean