Ang balikbayan box ay isang karton na puno ng mga personal na bagay at gamit, regalo, padala at mga pasalubong sa mga kaanak na dadatnan pabalik sa Pilipinas ng isang OFW.
Roma, Agosto 31, 2015 – Ang Balikbayan box ay nagsimula mga unang taon ng dekada 80. Ito ay isang tugon ng pamunuan ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos na nagbibigay ng prebihileyo sa mga Pilipinong nagta-trabaho sa labas ng bansa o OFWS.
Ang balikbayan box ay isang karton na puno ng mga personal na bagay at gamit, regalo, padala at mga pasalubong sa mga kaanak na dadatnan pabalik sa Pilipinas ng isang OFW.Ito ay maaaring dala sa mismong araw ng kanyang pag-uwi o pagba-bakasyon sa Pilipinas o maaari din na ipadala sa mga Freight Forwarders sa eroplano (air cargo) o sa barko (sea cargo).
Ang batas o panukala kung saan nasasaad ang kalakaran ng balikbayan boxes ay ang Section 105 ng Batas Republic Act No 1937 o higit na kilala bilang The Tariff and Customs Code of the Philippines. Ang mga importanteng susog sa naturang batas hinggil sa Balikbayan box ay ang Executive Order No 206 sa ilalim ng pamunuan ni dating Pres Ferdinand E Marcos at ang susog ng pamunuan ni dating Pres Corazon Aquino noong ika-30 ng Hunyo, 1987.
Ang Department of Finance at ang kanyang sangay na ahensya, ang Bureau of Customs na ngayon ay pinamumunuan ni Commissioner Albert Lina ang siyang nagpapatupad sa mga batas, circular at panukala hinggil sa Balikbayan Box.
(Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Ang mga ipinagbabawal ng laman ng isang balikbayan box‘ sa www.migreat.it/tl)
ni: Tomasino de Roma