in

T’boli dream weavers sa Milan

T’boli tribe inawit sa Alma Mater event ang mga katutubong kanta bilang interpretasyon ng kanilang kathang-isip at kung papaano isinasagawa ang kaiibang disenyo ng mga textiles na yari sa abaca fibers .

 

Milan, Setyembre 10, 2015 – Sa unang pagkakataon sa Milan ay ipinakita ng mga T’boli tribe ang kanilang mga ritwal kung saan sila humuhugot ng inspirasyon sa pag-weave ng mga textiles, dahilan kung bakit sila tinatawag na mga “dream weavers”.

Ang mga T’boli, ay nagmula sa katimugang bahagi ng Pilipinas o sa Kamindanaon, sa kabundukan ng mga munisipalidad ng Suraliah, Kiamba, Polomolok at T ‘boli .
Ang Exhibitor, si Yuval Avital, tubong Israel, composer, classical guitarist at multimedia artist, ng event na pinamagatang “Alma Mater”, isang interpretasyon ng “Il terzo Paradiso” o The Third Paradise ni Michelangelo Pistoletti.

Inimbitahan niya sa pamamagitan ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang mga T’boli tribe na mag-perform sa nasabing event upang maipakita sa buong mundo ang mga karagdagang kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Ginanap ito sa La Fabbrica del Vapore sa Milan at dinaluhan hindi lamang mga Pinoy kundi pati ng iba’t ibang lahi upang saksihan ang naturang ritwal ng mga T’boli tribe.

Naroroon din ang mga kinatawan ng Philippine General Consulate in Milan sa panungunguna ni Consul General Marichu Mauro, at ang panauhing pandangal na si National Commission for Culture and the Arts(NCCA) Commissioner  Felipe de Leon Jr.

Yuval likes to promote peace and unity”, ayon sa NCCA Commissioner.

Sa labas ng Multi Media Hall nag-perform din ang grupo ng mga pinoy teen agers ang Psycom at 5 step group, ng ilang cultural dance ng Mindanao sa pamamagitan ng kanilang coordinator.

Sa loob nito ay naroroon ang tatlong T’boli tribe na umaawit ng kanilang mga katutubong kanta bilang interpretasyon ng kanilang kathang-isip at kung papaano isinasagawa ang mga kaiibang disenyo ng mga textiles na yari sa abaca fibers at tininahan sa pamamagitan ng natural vegetable dye na kadalasang kulay ay pula, itim at brown na nagreresulta sa isang magandang disenyong finished hand woven product.

As represented by dreaming, these patterns that they dream of, are weaving patterns, these weaving patterns are very important because they represent the unity of the community”, wika pa ni de Leon.

Dagdag pa niya, ito din ay halintulad sa ibang weavers sa hilagang bahagi ng Pilipinas ngunit ito naman ay sa ibang proseso subalit iisa lamang ang kanilang pakay, ang pagtaguyod ng pagkakaisa at kapayapaan hindi lamang para sa kanila kundi para sa buong mundo.

The other weavers from other parts of the country aside from the dream weavers are also brought to other events, and we have many activities sponsored by the NCCA”, ani ni de Leon.

Maging sa mga southeast asian countries at sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang ipakita ang traditional weaving ng Pilipinas.

Actually, we would like to strengthen more the filipinos understanding of this, so going to other countries is really second in importance, because what is more important is how they can profit from giving emphasis through weaving as a symbol of community.” Sa pagwawakas ng NCCA Commissioner.

 

 ni Chet de Castro Valencia
 ni Jesica Bautista
 
 
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1M para sa integrasyon at mga kurso ng wikang italyano para sa mga dayuhang mag-aaral

Mga Pinoy sa Roma nabiktima ng Ticket Scam