Sa Jobs Act ay nasasaad ang malaking multa para sa mga employers upang labanan ang ‘lavoro nero’. Bumibigat ang multa sa pagtanggap ng dayuhang manggagawa na walang permit to stay. Narito ang nilalaman.
Roma, Setyembre 18, 2015 – Trabaho sa isang undocumented? Dahil mas mababa ang sweldo at mas makakatipid. Sa katunayan, ay malaki ang panganib sa multa ng 43,000 euros o 86,000 euros o 129,000 euros. Ito ang mga halaga na maaaring bayaran ng employer na kukuha ng mga dayuhang mamamayan ng walang permit to stay.
Ito ay nakasulat sa isa sa mga huling lumabas na implementing rules ng Jobs Act, ang reporma ng paggawa, na inaprubahan noong nakaraang Sept 4 ng Council of Ministries at hinihintay na lamang ang paglalathala sa Official Gazette. Narito ang buong teksto.
Ang dekreto ay ukol sa “Rasyonalisasyon at pagpapagaan sa mga pamamaraan at mga obligasyon para sa mga mamamayan at mga kumpanya at mga probisyon sa trabaho at patas na oportunidad.” Sa kabila ng maraming tinalakay, ay muling binigyang depinisyon ang mabigat na parusa sa ‘lavoro nero’ o irregular work. Paano? Una sa lahat ay hinati ito sa ilang kategorya, batay sa panahon ng trabaho.
Bilang kabuuan, ang mga pribadong employer, hindi kabilang ang mga domestic employers, ay kailangang magbayad ng:
- mula sa 1,500 euros hanggang 9,000 euros para sa bawat irregular worker, sa kasong magta-trabaho hanggang 30 araw;
- mula 3,000 euros hanggang 18,000 euros para sa bawat irregular worker, kung magta-trabaho mula 31 hanggang 60 araw ng trabaho;
- mula 6,000 euros hanggang 36,000 euros sa bawat irregular worker, kung magta-trabaho higit sa 60 araw.
Ito ay balido rin kahit ang worker ay mga Italians o dayuhan na mayroong regular na permit to stay. Ngunit kung ang mga dayuhan ay undocumented o walang permit to stay para sa trabaho, ayon sa dekreto ang “ang multa ay tumataas ng 20%”. Ito ay nangangahulugan na ang 36,000 euros ay magiging 43,000 euros na imu-multiply sa 2,3 o 4 kung ang workers ay higit sa isa.
Bukod dito, sa kasalukuyang batas ay nasasaad na imposibleng regular na ma-empleyo ang isang dayuhan kung walang permit to stay. At samakatwid, kung ito ay matutuklasan, ang mga employer ay hindi maaaring magbayad ng mas mababang multa, at gagawan ang dayuhan ng employment contract. Sa halip ito ay isang posibilidad na nasasaad kung ang worker ay italyano at dayuhang may permit to stay.
Gayunpaman, hindi dito nagtatapos. Ang mga bagong multa ay idinagdag sa mga nasasaad na sa batas ng imigrasyon sa sinumang mage-empleyo ng walang permit to stay: pagkakakulong mula anim (6) na buwan hanggang tatlong (/3) taon at multa ng 5,000 euros para sa bawat worker. Ang huling nabangit na parusa ay nakalaan rin maging sa mga employers ng domestic jobs.