in

Prova, paano at gaano nga ba ito katagal?

Ako ay may bagong employer at nais na sumailalim ako sa panahon ng pagsubok o ‘prova’. Ito ba ay isang obligasyon? Gaano katagal?

 

Roma, Setyembre 21, 2015 –  Ang panahon ng pagsubok o ‘prova’ ay nasasaad sa batas, lalo na sa mga collective contract on domestic jobs at samakatwid, ito ay ipinatutupad sa mga colf, caregivers at babysitters.

Una sa lahat ay mahalagang linawin na ang employer ay kailangan pa ring i-empleyo ang colf  kahit na nais nito na sumailalim ang colf sa tinatawag na panahon ng pagsubok o prova, sa pamamagitan ng kinakailangang comunicazione di assunzione sa Inps, online o sa pamamagitan ng contact center.

Ang trabaho o rapporto di lavoro, samakatwid ay nagsisimula sa unang araw matapos gawin ang komunikasyon ngunit maaaring matigil ito ng walang anumang dahilan bago matapos ang panahon ng pagsubok at ito ay walang anumang obligasyon sa pagbibigay ng abiso. Sa parehong araw ay nagsisimula rin ang lahat ng obligasyon at karapatang nasasaad sa batas tulad ng bakasyon, suweldo at ibapa.

Ngunit gaano nga ba katagal ang panahon ng prova?

Para sa mga manggagawang nasa antas D o D super (hal: mayordomo, caregiver na nagtataglay sertipiko ng pag-aalaga sa mga non-self sufficient) ang panahon ng prova ay tumatagal sa 30 araw, samantala 8 araw naman para sa mga nasa ibang antas (hal: colf at baby sitters).

Kailangang tanggalin sa panahon ng pagsubok, ang ilang uri ng pagliban tulad ng sick leave o leave dahil kailangang bilangin ang araw ng ipinag-trabaho ng worker. Halimbawa, para sa isang colf na nagta-trabaho sa alternatibong araw, tatlong araw sa isang linggo, sa kalkulasyon ng 8 araw na prova ay hindi kasama ang mga araw na hindi ipinasok sa trabaho.

Ang panahon ng pagsubok ay dapat na nakasulat sa lettera di assunzione kung hindi ay maituturing na hindi ito napagkasunduan ng dalawang partes. Ito ay nangangahulugan na kung ang employer ay nais na tapusin ang kontrata bago matapos ang panahon ng pagsubok, ay kailangang magbigay ng abiso ng terminasyon at magbibigay ng dahilan sa ginawang pagtatapos ng trabaho (o ang tinatawag na tamang dahilan o giusta causa).

Ang manggagawa na nalampasan ang panahon ng pagsubok na walang natatanggap na anumang abiso ng terminasyon buhat sa employer at itinuturing na awtomatikong kumpirmado at samakatwid ay tanggap at may permanent contract.

 

 

ni:Atty. Mascia Salvatore

isinlain sa tagalog ni PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Higit 40,000 euros, multa ng employer na tatanggap ng dayuhang walang permit to stay

Ang paboritong Nutella