in

ENFiD Italy, sa ikalawang General Assembly

Nahati sa tatlong mahahalagang yugto ang ginanap na 2nd General Assembly ng ENFiD Italy: Pagbabalik-tanaw at paglalahad, paglulunsad sa dalawang susunod na proyekto at ang eleksyon ng mga bagong opisyal. Sinundan ito ng Arrivederci Monsi party.

 

Roma, Setyembre 22, 2015 – Nahati sa tatlong mahahalagang yugto ang ginanap na 2nd General Assembly ng ENFiD Italy noong nakaraang linggo, Sept 13, 2015 sa Don Bosco-Salesian compound, Via Prenestina Roma.

Opisyla na binuksan ni Monsignor Jerry Bitoon ang pagtitipon bilang president at Country representative ng ENFiD. Nagbalik-tanaw ang presidente, mula sa Global Diaspora hanggang sa pagkakatalaga ng regional ENFiD EU at ang pagsilang ng MENFiD o ang ENFiD sa Gitnang Silangan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Romulo Salvador, ang bagong halal na miyembro sa ENFiD EU BoD ang katatapos lamang na Regional Assembly na ginanap sa Malta at ang mga aksyong haharapin nito sa susunod na dalawang taon.

Maikling paglalahad naman ang sumunod buhat sa dalawang mahalagang proyekto ng ENFiD Italy: ang pagkakatatag sa ITA FIL Care at ang BWPS o Bantay West Philippine Sea. Mula sa BWPS, ang kalulunsad lamang na proyekto nito, ang Solar Water Desalination, buhat sa isa sa mga founder nito, Mher Alfonso at kasamang Lito Viray. Ang pagsasakatuparan naman ng gusali sa Bohol na magsisilbing paaralan buhat sa Ita-Fil Care, sa pag-uulat naman ni Henry Estrada.

Ikalawang mahalagang bahagi ay ang paglulunsad ng dalawang susunod na proyekto ng ENFiD Italy. Ito ay ang pagbuo ng ENFiD Italy Youth sa pangunguna ni Allen Magsino, sa tulong ng itinalagang tagapayo nito na si Sabrina Yu at ang paglikha ng National Digital Directory sa pangunguna naman ni Liza Bueno.

 

 

(Sundan ang buong kaganapan sa www.migreat.it/tl)

 

ni: Tomasino de Roma

larawan ni: Boyet Abucay

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

LSE Batch 25 Graduation, ginanap sa Roma

Ang aking kapatid ay naturalized Italian. Maaari ba akong magkaroon ng permit to stay dahil sa kanya?