Ako ay isang undocumented na Pilipino sa Italya. Ang aking kapatid ay isa ng Italian citizen. Maaari ba akong maging regular sa pamamagitan nya?
Roma, Setyembre 23, 2015 Ang mga non-EU nationals na naninirahan sa mga kamag-anak hanggang second degree na naturalized italian, ay hindi maaaring mapatalsik sa bansa at may karapatang magkaroon ng permit to stay per motivi familiari buhat sa Questura.
Sa Legislative decree n. 286/98, ng Batas sa Imigrasyon, sa katunayan, ay nasasaad na ‘hindi pinahihintulutan ang pagpapatalsik sa mga dayuhang naninirahang kasama ang kamag-anak hanggang second degree’ at dahil dito ang Questura ay obligadong mag-release ng permit to stay per motivi familiari kung nagtataglay ng dalawang kundisyon:
- ang dayuhang undocumented ay kailangang kamag-anak hanggang ikalawang grado ng naturalized Italian;
- ang dayuhang undocumented ay kailangang naninirahan sa iisang tahanan kasama ng naturalized Italian.Kung hindi, ang Questura ay tatanggihan ang issuance ng permit to stay.
Paano mag-aplay ng permit to stay?
Sa pag-aaplay ng permit to stay per motivi familiari, ang dayuhan ay kailangang personal na magtungo sa Questura dala ang mga documentasyon na magpapatunay ng relasyon o ng pagiging mag-kamag anak ng dalawa. Tanging ang mga dokumento buhat sa labas ng bansang Italya ang tinatanggap na Questura at hindi tinatanggap ang anumang sertipiko buhat sa Embahada o Konsulado sa Italya. Bukod dito ay ipinapaalala sa lahat na ang mga dokumento na nagpapatunay ng relasyon ay kailangang translated, legalized at validated ng Italian embassy sa Pilipinas.
Bukod dito ay kakailanganin din ang ‘dichiarazione di presa a carico’ ng italian relative kung saan nasasaad ang pananagutan nito sa anumang gastusin at tirahan ng dayuhang kamag-anak na undocumented.
Paalala: Hindi maaaring mag-aplay nito sa pamamagitan ng ‘kit postale’ dahil ang Questura ay kailanganin gawin ang mga pagsusuri, kasama ang paninirahan sa iisang tahanan. Ang permit to stay na ibibigay ng Questura ay isang permesso di soggiorno per motivi familiari na nagbibigay ng ganap na karapatan, kabilang ang health assistance at ang posibilidad na ma-empleyo ng regular sa trabaho.