in

Test at obligatory courses bago Vocational course, para sa mga dayuhang mag-aaral

Entrance test sa enrollment. Hangad ng Lega Nord ‘Ang sinumang hindi marunong ng wikang italyano ay hadlang sa ibang mga mag-aaral’.

 

Roma, Setyembre 23, 2015 – Mekaniko, chef, beautician, waiter … Ito ang mga pagkakataong ibinibigay ng vocational course, ngunit para marating ito, sa Lombardy region, ang mga dayuhang mag-aaral ay kailangang malampasan ang isang mahalagang hakbang: ang entrance test sa wikang italyano.

Ito ang inilunsad ng Lega Nord sa ginawang diskusyon ng batas “Qualità, innovazione ed internazionalizzazione nei sistemi di istruzione, formazione e lavoro in Regione Lombardia”. Ang teksto ay inaprubahan kahapon ng Regional Council, kung saan higit na malaki ang partesipasyon ng partido ni Salvini.

Sa susog ni Massimiliano Romeo ng Lega, na binago ni Valentina Aprea, ang municipal councilor na responsible sa edukasyon, ay nasasaad na “susuriin ng mga institusyon ang kaalaman sa wikang italyano sa pamamagitan ng test ang mga mamamayang dayuhan na sa unang pagkakataon ay tatanggap ng pormasyon at edukasyon na ibinibigya ng rehiyon”.

Sa kasong mapapatunayan na hindi sapat ang antas ng kaalaman sa wikang italyano, ang mga paaralan ay sisiguraduhin ang pagbibigay ng tulong upang mapadali ang pag-unawa sa wikang italyano, batay sa paraang tinukoy ng Giunta, upang pahintulutan ang regular na pagpapatakbo ng mga aktibidad na pang-edukasyon.” Sa madaling salita, upang magpatuloy ang professional formation, ay kailangang pumasok sa kurso ng wikang italyano.

Ang imigrante na hindi sapat ang kaalaman sa wikang italyano ay hindi magagawang masundan ang kurso ng maayos at higit sa lahat ay nagiging sanhi ng isang malaking pinsala, nagpapa-antala o nahahadlanagn ang pag-aaral ng ibang mga mag-aaral, italyano man o dayuhan, na bihasa sa wika“, paliwanag ni Fabio Rolfi. “Ang sinumang makikita na walang kaalaman sa wikang italyano ay obligadong pag-aralan ito. Ang tunay na integrasyon ay makabuluhan at magtutulak na sundin ang mga batas sa sinumang nais manirahan sa ating bansa.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang aking kapatid ay naturalized Italian. Maaari ba akong magkaroon ng permit to stay dahil sa kanya?

Ang Santo Padre sa USA: “Anak ng imigrante, sa bansa ng mga imigrante”