in

Travel document, magiging e-travel document

Ito ay para sa mga refugees, stateless at mga dayuhang walang pasaporte. Itinakda ng Ministry of Economy ang halaga nito,35 euros + IVA

 

Roma, Setyembre 24, 2015 – May pagbabago para sa travel document o documento di viaggio. At kung ito ay hindi ninyo kilala, sa kabutihang palad, ito ay nangangahulugan lang na hindi ninyo ito kailangan. Para sa mga refugees, stateless at minsan pati na rin sa mga dayuhan na naninirahan sa Italya at imposible ang ma-isyuhan ng pasaporte ng Embahada o konsulado. Sa ganitong mga kaso, ang batas ng Italya ay nagsasabi na sa mga ito ay iisyu ang isang balidong dokumento sa paglabas mula sa bansang Italya, ang travel document.

Hanggang sa ngayon ang mga ito ay kulay-abo o berdeng tila pasaporte, ngunit ang batas ng Europa ay nag-obliga sa Italya na gawin ang dokumentong mas ligtas at mahirap kopyahin o pekein. Dahil dito ay nalalapit na ang paglulunsad ng ‘bagong e- travel document para sa mga stateless, refugees at dayuhan”, na nasa microchip nito ang larawan at finger print ng may-ari.

Ang mahalagang pagbabagong ito ay hindi magdudulot ng ‘bigat’ sa gobyerno bagkus ay magdudulot nito sa bulsa ng sinumang maga-aplay nito. Kamakailan, ay inilathala ang dekreto sa Official Gazette ng Ministry of Economy and Finance kung saan nasasaad ang presyo ng e-document.

Partikular, ang mga refugees, stateless at dayuhan ay kailangang magbayad ng 34,20 euros + IVA para sa produksyon, supply, pagpapasadya at pag-papadala ng bagong travel document, kung saan ay idadagdag ang 0.50 cents (NO IVA) para sa Poste Italiane. Sa pagbabayad ay gagamitin ang postal bill na nakapangalan sa Ministry.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Santo Padre sa USA: “Anak ng imigrante, sa bansa ng mga imigrante”

Citizenship agad sa mga ipinanganak sa Italya kung may carta di soggiorno ang magulang