in

Citizenship agad sa mga ipinanganak sa Italya kung may carta di soggiorno ang magulang

Ang mga bata ay kailangang tapusin ang elementarya. Majority may kasunduan sa reporma. Narito kung paano nagbago ang teksto sa Committee.

 

Roma, Setyembre 24, 2015 – Ang mga batang ipinanganak sa Italya ay magiging mamamayang Italyano agad kung ang magulang ay mayroong EC long term residence permit o ang kilalang carta di soggiorno. Kung hindi, tulad ng ilang bata na hindi ipinanganak sa Italya ngunit dumating dito bago ang 12 taong gulang, ay kailangang pumasok sa 1 o 2 obligatory school ng hindi bababa sa limang (5) taon, at kung tumutukoy naman sa elementarya, ay positibo itong matapos.

Ito ay ang kasunduan sa majority ukol sa reporma ng pagkamamamayan sa ginawang diskusyon sa Kamara. Ang ‘requirement’ ng carta di soggiorno (na mayroon ang kalahati ng populasyon ng mga dayuhan sa Italya) at ng elementary school ay idinagdag na susog ng Area Popolare e Scelta Civica sa unified text na isinulong ni Marilena Fabbri (PD) sa Committee on Constitutional Affairs.

Nananatiling hindi nabago ang requirements para sa mga kabataang dumating sa Italya bago sumapit ang 18 taong gulang. Sila ay magiging mamamayang Italyano matapos ang anim (6) na taong regular na residente at pagkatapos matapos ang isang obligatory school o ang high school o ang vocational.

Walang balita, gayunpaman, para sa pagkamamamayan ng mga may edad na, dahil tinanggihan ang susog na isinulong ng SEL kung saan nasasaad na limang (5) taon sa halip na sampu (10) tulad sa kasalukuyan, ang kailangang taon ng tuluy-tuloy at regular na pagiging residente sa Italya para sa naturalization.

Ang reporma, para sa ngayon, ay nananatiling nakatutok sa mga anak ng mga imigrante, o ang tinatawag na second generation. Inaasahan ang diskusyon nito sa Parliaymento sa susunod na Linggo. “Matatag ang majority sa paghingi ng ‘ius soli’ at ‘ius culuturae’, punto na nagpapalawig sa mga karapatan sa Italya, mahusay na kondisyon para sa mga talakayan at pag-aapruba ng reporma sa Senado. Bilang tagasulong – sabi ni Marilena Fabbri – ako ay masaya kung ang panukalang-batas na ito, makalipas ang mga dekada ng diskusyon, sa wakas ay hahantong sa final approval “.

Gayunpaman, kritiko naman buhat sa Sel, mula kay Deputy Celeste Costantino na nagsabing “isang kompromiso na gagawing mas mahirap ang pag-aplay ng citizenship”. Samantala, ang Lega Nord “Lalaban kami sa Parliyamento upang hindi maaprubahan ang teksto o ang mapahusay pa ito”, ayon kay Deputy Cristian Invernizzi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Travel document, magiging e-travel document

PHL Embassy assists around 1,000 Filipinos in Florence Consular Outreach