“3 billion euros ang kontribusyong kanilang inihulog at patuloy ang paglaki nito. Gamitin sa integrasyon”, Tito Boeri, presidente ng Inps.
Rome, Setyembre 30, 2015 – Aabot sa 3 billion euros ang halagang iniregalo sa Italya, at tinatayang aabot pa sa 375 million euros kada taon. Ito ay ang kontribusyon ng mga manggagawang dayuhan na hindi maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng pensyon.
Ito ang inanunsyo kamakailan ni Tito Boeri, ang presidente ng Inps. Sa katunayan, isang bahagi ng kanyang presentasyon ng ulat na “Worldwide Inps”, ay nakalaan sa mga “dayuhang nagbayad ng konribusyon sa Italya at bumabalik sa sariling bansa na hindi na pakikinabangan (o dahil hindi pwedeng pakinabangan) ang pensyon buhat sa Inps”. Isang sitwasyon na kung tawagin ay “social free riding”.
Kinilala ng batas ang dalawang sitwasyon:
- ang dayuhang manggagawa na bumalik sa sariling bansa, na nagbayad ng kontribusyon hanggang Enero 1, 1996, na upang makatanggap ng pensyon, bukod sa pagkakaroon ng sapat na edad ay kailangan rin ang insurance at kontribusyong kinakailangan para sa karamihan ng mga manggagawa;
- ang mga bagong insured mula Enero 1, 1996 ay maaaring makatanggap ng retirement pension (hindi kasama ang anticipated pension) sa pagsapit sa edad na 66 anyos (idadagdag ang buwan ng life expectancy), batay sa minimum contribution.
Ipinaliwanag ni Boeri na ang mga “mamamayang hindi Italyano na ipinanganak bago ang 1949 (higit sa 66 anyos at 3 buwan), na may kontribusyon sa Inps, na hindi hanggang sa kasalukuyang nakatanggap (sila at kanilang beneficiaries) ng pensyon buhat sa Inps at hindi tumanggap ng decontribution, ay 198.430 o ang 21% ng kabuuang bilang 927,448. Sila ay naghulog ng kontribusyon, batay sa regulasyon nito, na aabot hanggang sa kasalukuyan sa 3 billion euros. Ito ay isang palaking na sitwasyon kahit sa mga bagong nakatala simula 1996 ay walang nag-aplay para sa retirement pension sa pagsapit ng 66 taong gulang (kasama ang buwan ng life expectancy)”.
Mayroong mga workers na ipinanganak sa pagitan ng mga taong 1949 at 1981. Ang henerasyong ito ay hindi pa umaabot sa maturity ng retirement requirements.
“May 4.2 milyon na may kontribusyon bago ang taong 1996, at samakatwid ay may karapatan sa minimum required contributions. Ang mga nabanggit – mababasa rin sa ginawang presentasyon – hanggang sa kasalukuyan, ay nakapaghulog ng kabuuang kontribusyon na 56 billion. Kung ang 21% ay hindi tatanggap ng kanilang pensyon, mayroon pa tayong halos 12 million na kontribusyon na hindi maibibigay bilang pensyon”.
Sa mga huling taon, bigay diin ng president ng Inps, “ang mga dayuhan ay naghuhulog ng average contribution sa pagitan ng 7 hanggang 8 billion euros. Kahit 5% lamang (kumpara sa 21% sa mga ipinanganak ng 1949) ng kontribusyon na ito ang hindi tatanggap ng pensyon, ay mayroon pa ring social free riding na halos 375 million euros sa paglipas ng panahon”.
Ano ang gagawin sa halagang ito? Naghayag si Boeri ng isang suhestyon: “Bakit hindi gamiting pondo ito para sa integrasyon ng mga imigrante?”.