in

23 Sportello Unico per l’Immigrazione, magsasara

Pagsasamahin ang ilang mga prefecture hanggang katapusan ng taong 2016, na magiging sanhi hindi lamang ng sagabal bagkus pati ng kaguluhan sa mga dayuhan. Narito ang mga prefecture na nanganganib magsara.

 

Roma, Setyembre 30, 2015 – Isang papalapit na sagabal para sa libu-libong ng mga dayuhan sa Italya. Para sa pag-proseso ng family reunification o para sa pagsusulit sa wikang italyano ng carta di soggiorno, ay mapipilitang magbiyahe ang maraming imigrante.

Ito ay ilan lamang sa mga pino-proseso sa mga tanggapan ng Sportello Unico per l’Immigrazione (SUI), na naka-dipende naman sa mga prefecture. Sa ngayon, may isang tanggapan sa bawat probinsya at tinatanggal nito ang pangangailangang magbiyahe pa para sa maraming imigrante. Ngunit bago matapos ang taong 2016, maraming probinsya ang mawawalan ng prefecture at samakatwid ay nawawalan rin ng Sportello Unico, dahil ang ilang mga tanggapan ay pagsasamahin sa mga magkakalapit na probinsya. Dahil dito, maraming mga migrante ang mapipilitang bumiyahe.

Ito ay nasasaad sa bagong regulasyon (na sa kasalukuyan ay nanatiling draft pa lamang) kung saan ang gobyerno ay nais na i-reorganize ang Ministry of Interior, sa pamamagitan ng pagbabawas ng presenya nito sa ilang bahagi ng bansa. Nasasaad ang pagsasara ng mga prefecture ng Teramo, Chieti, Vibo Valentia, Benevento, Piacenza, Pordenone, Rieti, Savona, Sondrio, Lecco, Cremona, Lodi, Stationary, Isernia, Verbano-Cusio-Ossola, Biella, Oristano, Enna, Massa- Carrara, Prato, Rovigo, Asti at Belluno.

Nangangahulugan na ang mga imigrante sa Prato ay kailangang magtungo sa Pistoia, ang mga nasa Lecco ay magtutungo sa Como, ang mga nasa Rieti ay magtutungo sa Viterbo, batay sa gagawing ‘accorpamenti’ na nais ng Ministry. At natitiyak na ang pagpunta dito ay higit sa isang beses lamang, tulad ng family reunification kung sakaling kakailanganin ang maglakip ng karagdagang dokumentasyon, bukod pa sa unang presentasyon ng mga ito pati na sa releasing ng nulla osta.

Sa panahon ng maximum emergency sa pamamahala ng imigrasyon at seguridad, tsaka naman nanaisin ang pagsasara ng 23 prefecture. Isang hindi matatanggap na pagkilos na magiging sanhi ng malaking kaguluhan sa mga dayuhan at manggagawa”, ayon sa protesta ng Fp-CGIL, CISL-Fp at UIL-Pa, na noong Setyembre 22 ay nag-organisa ng sabay sabay na pagpupulong sa mga napiling isasarang prefecture.

Nasa italic format ang mga pag-sasamahing tanggapan

1 Teramo– L’Aquila

2 Chieti – Pescara

3 Matera

4 Potenza

5 Vibo Valentia – Catanzaro

6 Cosenza

7 Crotone

8 Reggio Calabria

9 Benevento – Avellino

10 Caserta

11 Napoli

12 Salerno

13 Bologna

14 Ferrara

15 Forlì – Cesena

16 Modena

17 Piacenza – Parma

18 Ravenna

19 Reggio Emilia

20 Rimini

21 Gorizia

22 Trieste

23 Pordenone– Udine

24 Frosinone

25 Latina

26 Roma

27 Rieti– Viterbo

28 Genova

29 Savona-Imperia

30 La Spezia

31 Sondrio– Bergamo

32 Brescia

33 Lecco– Como

34 Cremona– Mantova

35 Milano

36 Monza e Brianza

37 Lodi – Pavia

38 Varese

39 Ancona

40 Fermo– Ascoli Piceno

41 Macerata

42 Pesaro-Urbino

43 Isernia-Campobasso

44 Asti– Alessandria

45 Cuneo

46 Verbano-Cusio-Ossola – Novara

47 Torino

48 Biella -Vercelli

49 Bari

50 Barletta-Andria-Trani

51 Brindisi

52 Foggia

53 Lecce

54 Taranto

55 Cagliari

56 Oristano– Nuoro

57 Sassari

58 Agrigento

59 Enna– Caltanissetta

60 Catania

61 Messina

62 Palermo

63 Ragusa

64 Siracusa

65 Trapani

66 Arezzo

67 Firenze

68 Grosseto

69 Livorno

70 Massa-Carrara– Lucca

71 Pisa

72 Prato -Pistoia

73 Siena

74 Perugia

75 Terni

76 Rovigo– Padova

77 Belluno– Treviso

78 Venezia

79 Verona

80 Vicenza

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-12 anibersaryo ng pagkakatatag ng GPII-ILC Rome, matagumpay na idinaos

Consular Service ng Embahada sa Roma, magbubukas sa Oct 18, araw ng Linggo