in

Pinoy Martial Arts, itinuro sa mga Pinoy sa Milan

Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine General Consulate sa Milan ay isinagawa ang training sa arnis.

 

 

Milan, Oktubre 6, 2015 – Sa kauna-unahang pagkakataon sa Milan, ay isinagawa ang training sa basic self-defense partikular ang ARNIS, isang kategorya sa martial arts na mas kilalang Filipino Martial Arts sa buong mundo.

Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine General Consulate sa Milan kay 7th dan Arnis expert Senior Master Randy Remolin ng “KOMBATAN” Italia ay ginanap ang nasabing training sa isang boxing stable sa Milan.

Inumpisahan ng warm up ang unang bahagi ng training gamit ang dalawang wooden stick o baston, tulad ng kanilang tawag.

Pagkatapos nito ay itinuro sa mga kababayan natin ang ilan sa mga basic techniques hawak ang baston sa pagdepensa sa sarili.

Hindi lamang sa Milan naglalagi si Remolin. Siya ay lumilibot din sa iba’t ibang lugar ng Italy tulad ng Torino, Udine at Roma upang magturo ng Philippine Martial Arts at karamihan sa kanyang mga tinuturuan ay mga Italyano.

“Minsan ay pumupunta ang mga taga ibang bansa tulad ng Sweden, Switzerland, Germany para magpaturo”, pagmamalaki ni Remolin bilang Pinoy Martial Arts expert.

Ayon kay Remolin, sa kasaysayan ang arnis ay ginamit ng mga Pilipino noong panahon ng kastila sa pagdedepensa ng kanilang mga sarili.

“Nagustuhan nila ang ating discipline, values, number 1 yong mentality na ‘yong weapons first before empty hands”, dagdap pa ng Arnis expert.

Kung kayat sa modern arnis ayon pa sa Master, ang weapon ay ang extention ng kamay at bago matuto ang isang indibidwal ng empty hands ay dapat munang matuto ito sa paggamit ng armas o ang baston kung saan ito ay gamit sa arnis.

Sabik matuto ang mga ofws sa arnis kung kaya’t ang mga itinuro ni Remolin sa mga ito ay depensang madalas gamiting sa oras ng hindi inaasahang pangyayaring nasa peligroso ang isang indibidwal.

Ayon sa Overseas Security Advisory Council o OSAC, ang Milan, Italy ay nanantiling ligtas subalit pinapayuhan pa rin ng nasabing ahensya na lagi pa rin maging alerto.

Samantala, kasama din ng Master ang ilan sa mga miyembro ng “KOMBATAN” group para turuan ang bawat kababayan natin ng mga techniques.

Mahigit 200 na ang mga miyembro ng naturang grupo at karamihan dito ay ang mga Italyano.

Ang kanilang grupo ay nasa ilalim ng International Philippine Martial Arts Federation na ang main headquarters ay nasa Pilipinas.

Si Senior Master Randy Remolin ay tubong Sto.Tomas, Batangas at nakahiligan niyang mag martial arts, partikular ang arnis noong siya ay 7 taong gulang pa lamang. Sa kasalukuyan ay narating niya ang 7th dan na isa sa mataas na libelo ng Martial Arts. Ang specialty nito ay ang combatant form sa ilalim ng kanilang kasalukuyang grand master Ernest Presas Jr. na kilalang eksperto ng arnis sa Pilipinas, kung kaya’t sampung taon na siyang natuturo ng arnis dito sa Italya.

Ayon pa sa Master, ang kanilang grupo ay naging kampeon sa mga martial arts competition sa Europa partikular sa iba’t ibang arnis combat style competition. Makikita ang kanilang mga accomplishments sa kanilang website na www.kombatan.it.

KOMBATAN group sa pamumuno ni 7th dan Arnis expert Senior Master Randy Remolin
                             KOMBATAN group sa pamumuno ni 7th dan Arnis Expert Senior Master Randy Remolin

Ulat at larawan ni Chet de Castro Valencia

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

30,340 mga rehistrado sa Italya para sa National Elections 2016

Regularizzation, ganito muling susuriin ang mga tinanggihang aplikasyon