in

Regularizzation, ganito muling susuriin ang mga tinanggihang aplikasyon

Ang patunay ng pananatili sa bansa, kontribusyon, paglabas ng Italya. Narito ang lahat ng mga pagkakataong maaaring maging dahilan ng pagiging regular sa nakaraang Regularizzation 2012.

 

Roma, Oktubre 9, 2015 – Ang regularization noong 2012 ay hindi pa rin tapos hanggang sa ngayon. Ang ilang prepektura, simula sa Brescia, sa katunayan ay gumamit ng mas mabigat at hindi makatwirang pamantayan sa pagsusuri ng mga aplikasyon, dahilan ng pagtanggi sa karamihan ng mga ito.

Tinanggihan ang maraming aplikasyon, halimbawa, dahil ang katibayan ng presensya sa Italya buhat sa manggagawa na karaniwang medical certificate ay hindi tinaggap na balido. Ilang problema naman ay ukol sa pagliban ng mga manggagawa sa Italya o ang kasong hindi pagtupad ng employer sa nasasaad sa aplikasyon o ang kanilang pagkakaantala sa pagbabayad ng kontribusyon.

Bilang resulta, ay ang muling pagsusuri sa mga aplikasyon na hindi makatwirang tinanggihan, sa kundisyong may kahilingan ng muling pagsusuri buhat sa aplikante. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas, ang prefecture ng Brescia ay naglathala ng mga bagong kriteryo o pamantayan na gagamitin. Ito ay maaaring gamitin o ipatupad din sa ilang bahagi ng Italya.

1) Ang mga aplikasyon sa ‘emersione dal lavoro irregulare 2012’ na tinanggihan o pinending dahil sa patunay ng pananatili sa Italya bago o hanggang sa petsa ng Dec 31, 2011 ay kailangang esklusibong suriin muli sa kahilingan o pagnanais ng aplikante (istanza di parte) at walang anumang limitasyon sa panahon. Para sa mga aplikasyon na naghain ng reklamo sa TAR ng Lombardy – isang sangay ng Brescia, sa Konseho ng Estado o sa Pangulo ng Republika, ay hindi kinakailangan, sa layunin ng pagsusuri, ng isang partikular na kahilingan (istanza di parte) dahil ang pagpapadala mismo ng reklamo ukol sa patunay ng pananatili sa Italya ay malinaw na pagnanais ng pagsusuri buhat sa nagreklamo.

2) Bilang patunay ng presensya sa pambansang teritoryo ng mga non-EU nationals na nagnanais na maging regular sa pamamagitan ng emersione dal lavoro irregolare art. 5 D. Lgs 2012/07/16 n. 109, ay pinapahintulutan ang mga medical certificates buhat sa mga pampublikong organisasyon bilang mga indibidwal o legal na kinatawan na may layunin, gawain o serbisyong publiko.

3) Ang mga medical certificates buhat sa mga duktor sa general medicine tulad ng family doctor o medico di base o ng mga conventional doctors (art. 30 accordo collettivo nazionale per la disciplina dei rapporti con i medici di medicina generale ai sensi dell’art . 8 del D. lgs 502/1992) ay itinutuirng na buhat sa ‘pampublikong organisasyon’.

4) Anumang paglabas o muling pagpasok sa pambansang teritoryo ay hindi hadlang sa pagtanggap sa aplikasyon kung ang mga ito ay ginawang naaayon sa batas sa ipinatutupad sa trabaho na nais gawing regular tulad ng bakasyon, pahintulot o day offs.

5) Ang extension ng obligasyon sa pagbabayad ng kontribusyon bilang patunay sa pagkakaroon ng trabaho ay maaaring makatwirang bigyan ng limitasyon sa halaga at sa kontribusyon ng anim na buwan. Ang requirement ng regular na kontribusyon ay itinuturing na nakumpleto sa pagbabayad ng unang kabayaran nito at pinapahintulutan ang paghuhulog ng karagdagang halagang dapat bayaran.

6) Ang pagbabayad ng kontribusyon na hindi bababa sa 6 na buwan ay lehitimo kahit naantala ang pagbabayad nito, makalipas ang pagtatapos ng trabaho o naantala kaysa sa itinakdang panahon. Ang naantalang pagbabayad ng kontribusyon ay nagpapahintulot sa releasing ng permesso di soggiorno per attesa occupazione sa worker na nag-aplay sa emersione.

7) Para sa kaso ng mga fake statement ay pinahihintulutan ang mga aplikante ng emersione na ituwid ang sitwasyon sa pamamagitan ng paglalakip ng mga papeles na magpapatunay ng pananatili sa Italya ng dayuhan bago o hanggang sa petsa ng Dec 31, 2011, maliban na lamang sa pagkakaroon ng penal case sa mali at sinadyang paghahayag sa nakaraan.

8) Para sa mga kaso ng discrepancy at/o kontradiksyon sa ginawang deklarasyon sa aplikasyon ng emersione at sa deklarasyon sa harap ng giudicial police, ay maaaring magsumite ng kahilingan ng muling pagsusuri sa aplikasyong tinanggihan, lakip ang bagong deklarasyon ng employer at ng worker kung saan nasasaad ang tunay na araw ng simula ng trabaho na magbibigay kumpirmasyon sa petsang inihayag sa aplikasyon; ang Sportello Unico per l’Immigrazione ay magpapatuloy sa tinanggap na kahilingan at magbibigay ng panibagong appointment sa aplikante at employer para kumpirmahin ang ginawang deklarasyon sa aplikasyon; kung magreresulta ang parehong datos ay kakanselahin ang rejection decree at sisimulan muli ang proseso ng emersione.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy Martial Arts, itinuro sa mga Pinoy sa Milan

Magpa-register sa ‘Garanzia Giovani’, hikayat ng Embahada ng Pilipinas at ASLI