Ako ay regular na inempleyo ng aking employer ngunit hindi nabayaran ang lahat ng aking kontribusyon. Nalalapit na ang renewal ng aking permit to stay at kailangan ko ang mga ‘bollettini pagati’. Ano ang dapat gawin ng aking employer upang mabayaran ang mga kontribusyon?
Rome, Nobyembre 29, 2016 – Ang pagbabayad ng kontribusyon sa INPS ay malinaw na isang obligasyon sa ilalim ng ipinatutupad na batas at anumang paglabag na tundin ito ay maghahatid ng mga kaparusahan.
Bukod dito, sa renewal ng permit to stay na nagpapahintulot makapag-trabaho ang mga dayuhang kasambahay ay kinakailangang mapatunayan ang pagtanggap ng ‘sahod’ at nabayaran ng employer ang kanilang kontribusyon. Ito ay kinakailangang regular upang maiwasang matuklasan ng Inps ang kakulangan sa pagbabayad ng kontribusyon na magiging sanhi ng karagdagang interes at multa tulad ng nasasaad sa batas.
Ang pagbabayad sa kontribusyon na hindi nahulugan o nabayaran ng regular ay maaaring boluntaryong gawin ng employer o sa pamamagitan ng isang request sa Inps. Sa huling nabanggit, ang Inps ay magpapadala sa employer ng avviso bonario kung saan hinihingi ang pagbabayad ng halagang dapat bayaran (kontribusyon, interes at multa).
Ngunit kung nais ng employer na magbayad ng hindi hihintayin ang avviso bonario buhat sa Inps ay maaaring gamitin ang modello LD15 at bayaran ng buo ang halagang kinalkula ng nabanggit na tanggapan o ng installment kung ito ay hiniling ng employer.
Sa form ay dapat na nasasaad ang datos ng employer, ng worker at bilang ng oras na nagtrabaho ang worker sa ‘trimester’ na nais bayaran. Matapos itong kumpilahan, ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng koreo o personal na isumite sa tanggapan ng Inps na kinasasakupan. Ang Inps ay kakalkulahin ang halagang dapat bayaran ng employer batay sa datos na inilagay sa form.
Late payment ng kontribusyon
Ang employer na naantala ang pagbabayad ng kontribusyon ay dapat mag multa hanggang 40% ng halagang dapat bayaran sa isang trimester. Ipapataw rin ang interes rate batay sa petsa ng pagbabayad.
Ang interest rate na ito ay ipinapataw lamang kung ang employer ay kusang loob na magbabayad sa loob ng 12 buwan mula sa itinalagang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon at bago matuklasan ng Inps ang hindi pagbabayad ng kontribusyon. Kung magbabayad, bukod dito ay ipapataw rin ang isang buwis na katumbas ng 30% batay sa yearly payment ng hindi binayarang trimestral payment.
ni Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni PGA