Aprubado sa Senado, mula 20% hanggang 40%, ang pagtaas sa bayad ng mga consular fees sa mga Italian Embassies sa buong mundo. At ang student visa ay may bayad na rin.
Roma, Nobyembre 24, 2015 – Aprubado sa Senado, at kung maaaprubahan din sa Parliyamento, ang Stability law ay maghahatid hindi lang sa mga Italians kundi pati sa mga migrante ng karagdagang bayad sa mga consular fees sa mga Italian Embassies sa buong mundo.
Ang maxiemendamento (o marami at mahahalagang susog) na inaprubahan noong nakaraang Biyernes ng gobyerno ay kinukumpirma ang pagtaas sa bayarin ng mga consular fees. Ang layunin nito ay ang karagdagang 6 million euros kada taon sa kaban ng bayan.
Partikular, ay tataas ng 20% ang mga civil status documents (maliban sa pagkilala sa citizenship by descent na nananatiling 300 euros) kabilang ang mga administrative documents. Ang pagtaas ng 40% ay nakalaan sa mga legalization at translation (na karaniwang kailangan ng mga imigrante), notarial o mga sea and air documents at urgent documents.
Ang mga entry visas ay nananatiling 60 euros para sa short stay at 116 euros naman para sa long period (hal motivo di lavoro o ricongiungimento familiari). Isang exemption ang type D visa for study na ginagamit ng mga kabataang dayuhan na nagpupunta sa Italya upang mag-aral sa unibersidad na libreng ibinibigay hanggang sa kasalukuyan ngunit simula Jan 1, 2016 (kung ganap na maaaprubahan sa Parliaymento) ay magkakahalaga ng 50 euros.