in

Italian citizenship, tatalakayin sa Senado sa susunod na linggo

Ipinagpaliban muli sa susunod na linggo ang diskusyon sa Committee. Lo Moro (PD), ang rapporteur: “Tatapusin namin ang sinimulan sa House. Hindi kami hihinto dahil sa terorismo”.

 

Roma, Nobyembre 25, 3015 – Sa susunod na linggo sisimulan sa Senado ang diskusyon ng reporma ng citizenship.

Matapos ipagpaliban dahil sa diskusyon ng Budget bill, inaasahan ang diskusyon kahapon kasama ng ilang panukala, ngunit dahil sa pangangailangan sa higit na panahon ay hindi ulit natalakay ang reporma.

Gayunpaman, ang reporma ay pinag-usapan sa Office of Presidency, na syang gumagawa ng agenda ng Committee. Marahil ang reporma sa citizenship ay tatalakayin sa Martes, Dec 1. Inaasahang ang diskusyon ay sisimulan sa constitutionality nito tulad ng sinasabi ng Lega Nord upang mapabagal, ngunit maliit na posibilidad na mahadlangan, ang mga hakbang na gagawin.

Ang reporma ng citizenship ay mahalaga at mananatili sa agenda, maayos ang naging takbo nito sa House at ito ay aming ipagpapatuloy sa Senate. Lahat ay maaaring mapagbuti. Tungkulin ko ang pagtuunan ng pansin ang lahat ng posisyon, lahat ng mga panukala buhat sa lahat ng partido”, ayon kay Doris Lo Moro sa Stranieriinitalia.it

Mayroong nagbabala ukol sa terorismo, na nagsabing mag-ingat sa pagbibigay ng citizenship. May panganib ba na itigil ang reporma? “Hangad ko na hindi ito mangyari”, mabilis na sagot ni Lo Moro.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pumatay kay Corazon, hinatulan ng anim na taon

Bagong electronic permit to stay, libre sa mga menor de edad