Walang babayarang anumang kontribusyon para sa releasing at renewal ng bagong electronic permit to stay ang mga menor de edad hanggang 18 anyos. Ang aplikasyon kasama sa kit postale ng magulang.
Roma, Nobyembre 26, 2015 – Ang permit to stay ay babaguhin ngunit ang regulasyon ay nananatili: walang babayaran ang mga menor de edad.
Tulad ng aming inilathala kamakailan, ang bagong electronic permit to stay, na unti-unting ipapalit pagsapit sa expiration ng mga nananatiling balido pang permitto stay, ay mayroong bersyon para sa mga menor de edad.
Mula ngayon, ang mga dayuhang bata ay magkakaroon ng indibidwal na dokumento simula kapanganakan at hindi na tila isang extension lamang ng dokumento ng mga magulang. Simula anim na taong gulang pataas, ang bagong permit to stay ay nangangailangan rin ng finger prints na mananatili sa microchip ng dokumento at maging sa database ng Ministry of Interior.
Kung ang mga nabanggit ay maghahatid ng pagbabago sa kinagawian ng mga dayuhan, ang mga ito ay hindi makakabigat sa kanilang mga bulsa. Sa katunayan, ay nananatili ang dekreto kung saan nasasad na ang mga mas bata sa 18 anyos ay walang anumang babayarang kontribusyon sa releasing at renewal ng nasabing dokumento, na para sa mga may edad ay nagkakahalaga mula 80 hanggang 200 euros.
Bukod dito, para sa mga kabataang may edad mula 14 hanggang 18 anyos ay nasasaad ang kabayaran ng 27,50 euros para sa printing ng permit to stay, sa mga batang may edad 14 anyos pababa, kahit na magkakaroon ng bukod o sariling dokumento ay walang anumang karagdagang bayad.
At hindi rin magkakaroon ng anumang karagdagang gastusin ang aplikasyon sa mga Italian post offices. Ang aplikasyon para sa mga anak sa katunayan ay gagawin sa pamamagitan ng parehong form at kit ng mga magulang. Ito ay nangangahulugan na ang 30 euros para sa postal service (at ang 16 euros para sa revenue stamp) ay babayaran ng isang beses lamang.