in

Ginang Pilipinas – Italia 2015

Mothers are fonder than fathers of their children because they are more certain they are their own. (Aristotle)

 

Roma, Disyembre 3, 2015 – Ang mga INA na palaging nakaalalay mula sa hitsura hanggang sa pagbibigay ng lakas-loob sa mga anak; sinisiguradong busog palagi hanggang sa pag-aasikasong hindi masisira ang make-up dahil sa pawis; mula sa pagsundo sa eskwela hanggang sa paghahatid sa mga rehearsals at matiyagang naghihintay, nanonood at humahanga sa kanilang mga anak.

Ito ang mga pangkaraniwang kaganapan sa ginanap na Batang Idol 2013, isang children’s talent search kung saan nasaksihan ng mga organizers at producers ang mga sakripisyo ng bawat INA. ‘Sana ay mayroon din tayo ng sariling talent search’, pabulong na sabi ng isa sa mga Ina. Isang pabulong na kahilingang hindi pinalampas ni Benjamin Barcellano Jr at ng Alona Cochon Entertainment Group (ACEG) na hindi nag-atubili sa pagkakaroon ng Ginang Pilipinas-Italia 2013, sa pakikipagtulungan ng mga piling sponsors.

Mula noon, ay nagpatuloy sa pag-oorganisa upang maitanghal ang pageant: kabilang ang lahat ng mga Ginangs sa lungsod anuman ang edad, relihiyon at civil status, happily married o hindi; divorced, legally separated, balo o single parent; ang tanging requirement lamang ay ang pagiging isang Ina.

Sa pagtatanghal sa mga Ginangs ay layuning: 

  • Kilalanin, itaguyod, pagyamanin at parangalan ang kagandahan ng mga Filipina Migrant worker sa Roma;
  • Pagyamanin ang pagkakaibigan, kapatiran, sportsmanship at disiplina sa pagitan ng mga kandidata;
  • Bigyang pagkakataon ang mga Filipina na mapatunayan sa kanilang mga sarili ang kanilang halaga, na sila’y karapat-dapat na parangalan, igalang, kilalanin at ipagmalaki ang pagiging isang Ina, isang Babae, isang Migrant worker at isang Filipino;
  • Pagyamanin ang pag-ibig, rispeto at patuloy na ipagmalaki ang piniling estado ng buhay ng walang anumang diskriminasyon sa edad, katangiang pisikal, relihiyon, pinag-aralan, trabaho, pananaw sa buhay at pagbibigay ng higit na gantimpala sa kabuuan ng kanyang pagkatao.

Mga GINANG: Ito ang inyong pagkakataong magningning…

Ang Ginang Pilipinas – Italia matapos ang unang patimpalak noong 2013 ay naging isang ganap na Grupo, isang Asosasyon na nakikiisa sa komunidad sa iba’t ibang aktibidad nito tulad ng sports fest, medical services at marami pang iba. Ang hinirang na unang grand winner na si Gng. Sayuri Banaag Hernandez ay naging unang presidente at sa ikalawang taon, ang mga miyembro ay inihalal si Gng. Joyce Esteban bilang presidente at ang kinoronohang Ginang sa ikalawang taon, si Rebecca Santos Ramos, ang bise presidente. Simula noon ang mga ginang ay magkakasamang bumuo ng isang bagong pamilya na patuloy sa paglaki.

Sa ngayon ang Ginang Pilipinas-Italya ay nasa ikatlong taon na ng tagumpay, dala ang pangunahing layuning ipagmalaki ang pagiging isang Ina, isang Babae, isang Filipina at isang Ofw. At sa ikatlong taon nito, si BVBJR, sa pakikipagtulungan ng Ginang Pilipinas-Italia Group ay inihahandog sa inyo ang ‘Search for Ginang Pilipinas – Italia 2015’.

Ang Grand Coronation Night ay gaganapin sa Linggo, Dec 6, 2015 sa ganap na ikatlo ng tanghali sa Teatro Vigano sa Piazza Fradeletto 17 Rome Italy.

BVBJR

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Attesa Occupazione, pinaikli ang validity sa mga nawalan ng trabaho

Pangulong Aquino sa Filipino Community Meeting sa Roma