in

GPII Anti-Crime National Legion Italy, nagdaos ng ika-13 taong anibersaryo

‘Respect, Love, Unity, Solidarity’, ito ang tema ng ginanap na ika-13 taong anibersaryo ng GPII Anti-crme National Legion Italy.

 

Roma, Enero 21, 2016 – Ginanap ang ika-13 taong anibersayo ng Guardians Philippines International Inc. Anti-crime National Legion Italy o GPII sa Roma noong Enero 10, 2016.

Sa nasabing pagdiriwang ay nakiisa ang iba’t ibang chapters mula sa labas ng lungsod ng Roma tulad ng Treviso Chapter, sa pangunguna ni President Gemma ‘FRMG Smile’ Abrigante; Emilia Romagna Chapter, sa pangunguna ni Presidente Nelson ‘FRMG Lambo’ Cabrera; Lazio Chapter sa pangunguna ni President Zaldy ‘Frmg Bungo’ Felipe; Modena Chapter, sa pangunguna ni President Noemi ‘RMG Edz’ Villanueva, Batangas Chapter sa pamamagitan ni Secretary Jeanny ‘RMG Lee’ Escalona at Rome Chapter, sa pangunguna ni President Gerry ‘RMG Spark 5’ Caringal.

Respect, Love, Unity, Solidarity”, ang tema ng nasabing anibersaryo.

We have reached our 13th because we are united, solid, we love and respect each other. Sa hirap at saya, sama sama walang iwanan”, ayon kay President/Chirman Benjamin ‘Prime Benjo’ Eclarin sa kanyang pananalita.

Bawat miyembro ng Guardians ay may personal commitment sa komunidad dahil ito ay isang volunteer association. Ang mga miyembro ay dapat mamuhay ayon sa Guardians virtues and principles”, dagdag pa ni Prime Benjo.

Ipinaalala rin nito ang halaga ng pagtulong sa mga nangangailangan at ang pagtatanggol sa mga mahihina higit pa sa pagtatanggol sa kanilang mga sarili.

Dahil sa mga layuning nabanggit, ilan sa mga proyekto ng GPII ACO Natl Legion Italy ay ang mga sumusunod: feeding program hindi lamang sa Pilipinas bagkus pati dito sa Roma; ang pagbibigay ng school supplies at relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa Oriental Mindoro; ang proyekto ng adopt a school at ang free dental at medical mission.

Sa nasabing pagdiriwang ay ginanap rin ang Oath of Allegiance na pinangunahan ni Consul General Leila Lora Santos.

                                       Oath of Allegiance

 

Kabilang sa mga dumalo at nakiisa sa pagdiriwang si Welfare Officer Loreta Vergara, na kasalukuyan ring OIC ng Polo Owwa; FIlipino Nurses Association o FNA para sa medical mission at maraming leaders ng filipino community sa Roma.

Sina Gemma Abrigante at Boyet Carino ang mga magagling na emcees sa nasabing pagtitipon.

                       Ika-13 taong anibersaryo ng GPII Anti-crime National Legion Italy

ni: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

One-Day League at Banal na Misa, Pagbati ng mga Pinoy sa Pistoia sa Bagong Taon

Velcro straps, gagamitin sa deportasyon ng mga undocumented