Inaasahang muling tatalakayin sa Senado bukas ang reporma ng citizenship para sa mga anak ng mga imigrante matapos itong ibalik sa agenda.
Roma, Enero 25, 2016 – Ang pinakahihintay ng marami. Bukas, Martes ay muling tatalakayin sa Senado ang reporma ng citizenship para sa mga anak ng mga imigrante.
Matapos ipagpaliban ng ilang linggo ang bagong alituntunin para maging ganap na Italyano na inaprubahan na sa House (disegno di legge 2092) ay muling nagbabalik sa agenda ng Constitutional affairs committee para sa session ng Jan 26. Samakatwid, ay inaasahang magpapatuloy ang general discussion na nagsimula nitong nakaraang Oktubre at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ipinagpapaliban.
Gayunpaman, kahit sa pagkakataong ito ay tila maikli ang panahon. Ang agenda para bukas ay umaapaw din ng iba pang mga panukala, walang session sa Miyerkules at sa Huwebes ay mayroon naman ibang agenda. Maaaring magkaroon ng mga hindi inaasahang pagbabago sa Martes.
Samantala, noong nakaraang Huwebes ay muling kumpirmado bilang presidente ng constitutional affairs committee si Anna Finocchiaro, PD. Kasama ang kanyang mga bise na si Salvatore Torris ng NCD-UDC at Claudio Fazzone ng Forza Italia, habang ang mga secretaries naman ay sina Manuela Repetti (AI-A) at Nicola Morra (M5S)