Permit to stay ang premyo sa katapangan ng isang undocumented Egyptian matapos hadlangan nito ang nakawan sa isang supermarket.
Roma, Enero 25, 2016 – Isang permit to stay, marahil per motivo umanitari, ang magiging premyo ni Moussa, isang 29 anyos na Egyptian, ang buong tapang na hinadlangan ang isang nakawan kamakailan sa isang supermarket.
Ang binata, undocumented sa Italya, ay naka-pila sa cashier ng isang supermarket sa Nichelino ng tutukan ng kutsilyo ng isang lalaki sa harapan nito ang cashier upang hingin ang kita ng supermarket. Tulad ng makikita sa surveillance video ay hinabol ng binata ang magnanakaw, isang Italyano, 52 anyos sanhi upang mahadlangan itong tuluyang makatakas.
“Naramdaman ko lang na may dapat akong gawin, alam ko rin ang posibleng mangyari sa akin pagkatapos”, kwento ni Moussa sa mga pulis. Samakatwid, kasama ang mga militar ay nagtungo sa Immigration office sa Turin kung saan sinimulan ang proseso sa pagbibigay ng permit to stay.